Chapter 40: End?

11.2K 459 87
                                    

A/N: Sorry na agad.

---

Channary

Magdidilim na nang makarating ako sa address na nakalagay sa message. Sa sobrang pag mamadali ko, kotse pa ni Ate Chendra ang natangay ko.

Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon, lalo na si Sam. Mabuti nalang at na-off ko agad ang phone ko pagkalabas ng EXE building.

Mahirap na. Ang sabi nang mensahe ay pumunta akong mag isa. Ako naman ang kailangan kaya eto ako ngayon. Kung pwedeng makipag palit nang pwesto kay Ciana, gagawin ko.

Isang abandonadong building ang lugar na tinutukoy sa mensahe.

Three floors. Mukha itong nasunog na establishemento.

Tahimik na bumaba ako ng sasakyan upang magtungo sa abandonadong building.

Wala masyadong bahayan ang paligid nito. Kung meron man, nasa halos isang kilometro naman ang layo noon.

Wala akong kadala dala dito bukod sa sarili ko. Ang taging malinaw lang sa akin ay kailangan kong makitang ligtas si Ciana. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Cia.

Lakas loob na inihakbang ko ang mga paa papalapit sa pasukan ng building. Sabi sa pangalawang mensahe kanina ay nasa ikalawang palapag sila.

Kung sa labas mo lang titingnan ay hindi mo mapapagkamalang may tao sa loob ng establishimentong ito.

Dahil hindi pa naman gaanong lumulubog ang araw, nagawa ko pang pagmasdan ang loob ng building nang makapasok ako.

Nagkalat ang iba't ibang klase ng basura, may hindi kaaya ayang amoy din at hindi naman nakakagulat.

Inilibot ko nag paningin upang hanapin ang hagdanan. Ang tanga ko sa part na wala akong dala kahit flashlight man lang.

Sa sobrang pagmamadali hindi na ako nakapag isip at basta nalang sumugod dito.

I know, I'm currently walking towards my grave. But for my sister, I'll stay alive. Hanggang maging ligtas siya.

Kung matalino si Clea, mas matalino ako. Pasensya na.

"Look who's here." Hahakbang na sana ako patungo sa nakitang hagdanan nang may magsalita sa kabilang gilid ko.

Mula sa madilim na parte ay lumas ang pigura nang taong hindi ko kailanman inakala na kalaban ko, namin. Si Sam pa nga ang napaghinalaan kong si X noong una. And I thought Clea is C. Fucks.

"Cleandria," May pait sa tinig na anas ko. Oo na bitter ako, bitter ako na kaibigan ko pa pala ang hinahanap kong demonyo.

Sinong mag aakala na si Clea yon? Iyakin yan eh. Ngayon nag iisip na ako na ang galing niyang umarte. Nagpasuntok pa yan kay Simone dati, ayun pala jaya niyang pumatay ng tao.

She's also the one that stabbed me three years ago.

"Channy." Nakangising sambit niya. Mapaglaro ang tinig pero nag iba na ang tingin sa mga mata. Kung ang normal na Clea na nakakasama namin ay palaging nagniningning sa kislap ang mga mata, itong kaharap ko ay blanko. Madilim ang tingin na pinupukol sa akin.

X's dead stare.

"Channy... tss. Fuck you!" Angil ko. Kung noon ayoko na tinatawag niya akong Channy, mas lalo na ngayon.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now