Chapter 37: Real Intentions

11K 511 407
                                    

A/N: Mas good pa sa good ang morning!

---

Salirah

"Simone,"

Sambit ko matapos makitang pumasok si Simone sa kwarto kung nasaan kami.

"What?! Si Simone?!" Gulat na gulat na napabaling ako ng tingin kay Riri at nanlalaki ang mata nang marealize kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

Fuck! Bigla kasing pumasok si Simone, nakalimutan kong nagtatanong si Riri.

"No! I mean, andito si Simone. Ayan oh." Turo ko sa likod niya. Para namang nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Ang bad timing naman kasi ni Simone dumating.

"Anong meron sa akin? Bakit ka nagulat sa pangalan ko, Chan?" Kunot noong tanong ni Simone bago okupahin ang silya sa tabi ni Riri.

"Fuck you! Kinabahan akong gago ka." Angil ni Riri. Ako naman ay napailing nalang habang si Simone ay kunot noong nakaawang ang labi habang nakatitig sa kaibigan.

"Sam naman eh! Muntik ko na patayin si Simone," Parang batang nagmamaktol na sambit ni Riri. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa sinabi niya o matawa sa paraan ng pagkakasabi niya roon.

"I'm sorry, nabigla lang ako sa pagpasok niya." I uttered. Riri blew out a deep sigh bago muling sumeryoso at tumingin sa akin.

"Who's X? Please tell me who she is." Ang kabang kanina ko pa naramdaman ay biglang bumalik. I gazed at Simone and she gave me an encouraging nod.

Alam niya na kung sino si X. I confronted her dahil sa ginawa niyang pagpasok sa bahay ko noon. Akala nila na disabled nila lahat ng camera sa bahay ko pero may naka install na isang camera na ako ang gumawa, and only I can disable that one.

Hindi niya nakuha ang files ni X at mg daddy nito pero kapalit nang pagmamanman niya kay Riri para sa akin, I let her saw the files.

Simone also can't believe everything. That girl, a total nutcase.

"It's Cleandria Marquez, Riri." Diretso ang tingin sa mga mata niyang sambit ko.

I saw how betrayal flashed her dark orbs. Her lips parted open maybe from surprise. Who wouldn't? Clea's a sweet girl, hindi lang nga totoo. She's clingy as fuck especially towards Riri.

Hindi pa kami magkakilala ni Channary, magkaibigan na sila ni Clea.

"W-what..." Tila bumubulong sa hangin na anas niya.

Her fist clenched, breathing heavily. Her eyes starting to darken, she's getting mad.

Bago pa man tuluyang lamunin nang kadiliman ang mata niya, agad kong ginagap ang kamao niyang nakapatong sa lamesa.

"Riri, calm down." I said in a hush tone. Simone's also rub Riri's back, as if calming her too.

"Tell me, everything.." Venom's lacing her voice that made Simone and I to exchange nervous glances. She's mad.

"Here?" Tanong ni Simone. Mabuti nalang din pala na nandito siya, may kasama ako sa mangyayaring labasan nang katotohanan.

"Let's go to EXE. Sina Kuya Cardo nalang muna ang pagbantayin dito. You two will tell me everything. Every.little.details." Awtomatikong sabay kaming napatango ni Simone.

Riri's aura became dark, she's frightening. Parang kapag tumanggi kami sa sinasabi niya ay bubulagta nalang kami bigla at mawawalan ng buhay. This is my first time seeing her like this and it's literally making me cower in fear.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now