Chapter 31: Serotonin

13.9K 515 150
                                    

A/N: Good morning!

---

Channary

"Love, nakapag lagay na ako ng damit mo sa bag." Mula sa labas ng banyo ay rinig ko ang boses ni Sam. Kinatok niya pa ng bahagya ang pinto para lang sabihin iyon.

Kasalukuyan kasi akong naliligo dahil pupunta kaming Batangas ngayong gabi.

Biyernes ngayon at napagdesisyonan naming dumalaw sa resort hanggang bukas ng gabi dahil sa Linggo ay lalabas kami nina Daddy.

"Thanks, love. Patapos na ako. Ayaw mo talagang sumama dito sa loob?" Nakangising sambit ko kahit alam kong hindi niya naman ako makikita.

Ang bad bad ni Sam. Ayaw niya sumama sa pagligo ko. Liligo lang naman kami, behave naman ako. Pero lagi niya akong tinitingnan na para bang may gagawin akong masara--- masama sa kanya.

"Heh! Bilisan mo diyan, gagabihin tayo." Angil niya mula sa labas na nakapag patawa sa akin.

Akala mo hindi ako inakit akit noong pagbalik niya. Tsk, pasalamat ka mahal na mahal kita. Hindi kita itatali, saka na kapag pwede na.

Hindi na ako nagsalita at nagmadali na sa pagligo, liligo din kasi ang aking mahal. Masyadong magpabango sa akin eh napaka bango naman na niya kahit isang Linggo pa siyang walang ligo. Joke, napakadugyot ng naiisip ko.

Matapos ang ilang minuto ng pagdadasa---- pagligo ay lumabas na ako ng banyo habang naka robe lang. Nakalimutan ko kasing magdala ng pamalit na damit dahil biglaan lang naman ang gagawin naming pag alis.

Tinulak nga lamang ako ni Salirah papasok ng banyo at dahil ako ay isang mapag mahal na future asawa, hindi na ako nanlaban lalo na at may hawak hawak siyang sandok kanina. Mahal ko pa ang buhay ko, pero mas mahal ko si Sam. Ayiiehh! Landi landi.

"Love, ikaw na." Nakangiting tawag ko ng pansin sa aking mahal na nagbabasa ng libro sa bed.

Ang hot naman nito magbasa. Parang strict na babaeng pwedeng pwede ka sakal--- mahalin kasi mahalin. Gosh ang utak niyo talagang marurupok kayo.

Agad na nag angat siya ng tingin sa akin at parang gusto kong magbunyi nang bigla na lamang mamula ang kanyang mukha habang pinapasadalan ng tingin ang katawan ko.

"Like what you see, Salirah?" Nagbibirong sambit ko sabay kindat sa kanya na mas lalong nakapag papula ng mukha niya.

"A-ayusin mo nga ang robe mo." Mahina at halatang kabadong sambit niya habang iniiiwas ang paningin sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Gusto kong matawa dahil nakalilis pala ng bahagya ang itaas na bahagi ng suot ko kaya sumisilay ang kalahating parte ng left boob ko.

Kaya pala namumula ang bebe na yarn.

"Nahiya ka pa, nakita mo na naman ang lahat sa akin. Nadila---- sabi ko nga shut up ako, mahal!" Agad na bawi ko dahil nakaamba na ang librong hawak niya para ibato sa akin.

Grabe, brutal po talaga si Sam. Ang hilig mangbato. Isipin niyo nalang pano na kapag nagbuntis siya sa magiging baby namin? Edi mas lalo soyang susungit. Kawawa naman ako. Pero okay lang, handa akong sumalo ng bala kung galing sa kanya.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now