Chapter 35: Often

10.5K 460 153
                                    

A/N: Good Afternoon.

---

Channary

Para akong natulos sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang pagdaan ng kakaibang kinang ng mata ng babaeng nakatanaw sa amin.

"Chan?" Doon ko lang nagawang alisin ang paningin sa kanya at bumaling kay Daddy.

"Ah.. I f-forgot ano sasabihin, Dad." Pigil kabang sambit ko at muling lumingon sa tinitingnan kanina, pero mas lalo ata akong kinabahan nang makitang wala na ito doon.

Fucks? Siya ba yon talaga o namamalikmata lang ako?

"Let's go na Dada and Ate!" Sabay kaming napabaling ni Daddy sa unahan kung saan ilang metro na ang layo nina Ciana sa amin.

Bumuntong hininga muna ako ng napakalalim bago inaya si Daddy na sumunod na sa mga kapatid ko.

Kung nandito man si X, kailangan kong maging alerto. Kami ang puntirya niya panigurado. Ang ikinatatakot ko ay baka ang mga nakababata kong kapatid ang pagdiskitahan niya.

Pero nasa public place kami, hindi siya tanga para gumawa ng eksena dito. Bobo naman niya.

Pinilit ko nalang muna na isantabi ang kabang nararamdaman at nakangiting lumapit sa mga kapatid ko. Pero sinigurado kong pinapakiramdaman ang paligid. I need to be alert, that motherfucking woman is a demon.

~

"Kain muna tayo, Daddy." Nakahawak sa tiyan na turan ni Ciana. Kakababa lang namin mula sa ferris wheel at medyo kumalma na din ako.

"Gutom na din ba kayo?" Tanong naman ni Daddy sa tatlong bubwit na magkakahawak kamay. Buti nalang talaga at kahit mga ulupong nag nanay nila ay close silang tatlong bata. Palagi kasi silang hinihila ni Ciana para maglaro.

Ciana, she's the invisible string that holds our siblinghood. Kung wala siguro siya, hindi talaga magpapansinan ang magkakapatid. Kahit naman made of bulok na egg cells si Ciana, she's still my precious sister. I won't trade her for the world.

"Yes po!" Our three little siblings said in unison. Ang cute nila, sa totoo lang. Magkakamuka silang tatlo. Parang iisa lang ang pinanggalingang nanay pero hindi talaga.

Baka kasi naghalo halo na ang ano sa sandata ni Daddy kaya nalito na din pati genes at DNA nila.

Itong tatlong bubwit na ito, kahit na mga boplaks nanay nila, they're the energy source sa bahay. Madalas napupuno ng sigawan at tawanan nila ang mansiyon kapag dumadaan ako doon.

Ang lungkot ng bahay ni Daddy kapag hindi ko sila naririnig na naghahagikhikan. Their tiny voices and squeals, even if I don't want to admit, always bring warmth to me.

Ano ba namang Amusement Park 'to. Dili man ako nagapunta dito para magdrama. Punyawa.

"Okay, let's go sa food court." Nakangiting sagot ni Daddy before offering his hands sa mga bata. Ako naman ay lumapit sa pinaka bunso at walang pasabing binuhat ito.

He squealed from surprise but immediately wrapped his tiny arms around my neck.

"Ate, you gave me a mini heart attack!" Nakangusong sambit niya na agad nakapag pangiti sa akin. This is my first time na lapitan sila ng ganito kaya nagulat talaga siya.

Holding his tiny frame, it made me want to shed tears. Tangina, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin sa araw na ito at napaka emosyonal ko. Siguro dahil ngayon ko lang narerealize kung gaano talaga sila kaimportante sa akin. Na kahit anong galit ko sa mga nanay nila, handa pa din pala akong mamatay para sa mga kapatid ko. Shit.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now