Chapter 15: Suddenly

14.9K 596 195
                                    

A/N: Naghahalo si Chance at Channary sa utak ko BWAHAHAHA. Niways, Good morning mga lahams kong sisiw.

---

Channary

"Channy!"

Nasa malayo palang ay alam na namin ni Simone na si Clea ang sumigaw. Siya lang naman ang may lakas ang loob na tawagin akong Channy.

First day ngayon ng Foundation Week at nandito kami sa gymnasiun para manood ng opening.

Bukas pa ang exhibition game namin at wala din kaming training ngayong araw para daw mag enjoy muna kami sa mga booth.

Mabait din naman pala si Coach Bokal kahit papaano.

"Ang ingay mo, Cleandria Marquez." Angil ni Simone ng makaupo si Clea sa tabi namin. Buti nalang nasa may gilid kami nakapwesto at medyo kakaonti pa ang tao sa loob.

Yung iba naman kasi walang pakealam samin dahil sama sama ang iba't ibang department dito ngayon.

"Balita ko University nina Ate Chendra yung kalaban niyo bukas?" Narinig ko palang ang pangalan ng ate niya ay kinilabutan na ako.

Bakit? Ang laki kasi ng galit sakin ng babaeng yon. Ate siya ni Clea at ayaw niya sakin dahil madami daw akong babae.

As if naman pinapatulan ko ang kapatid niya. Duh!

"Hala, patay ka Chan. Babaldahin ka non." Tawang tawa si Simone habang nakaturo pa talaga sa akin.

Ilang beses na namin nakalaro ang school nina Chendra at lagi niya talaga akong pinag iinitan.

Ewan ko din sa babaeng yon, baka may gusto sakin tapos nagpapapansin.

Pasensya na sila, wala na akong pinapansing ibang babae simula noong magpasukan.

Bakit?

Wala lang. Walang dahilan. Ay dahil pala marupok kayo.

"Bakit kasi trip ng ate mo manatili sa college? Pang ilang shift niya na ba ng course? Masyadong sinipag mag aral." Angil ko.

Totoo naman, patatlong course niya na ata dahil bawat year nag sshift siya. May kaltok din utak. Manang mana si Clea. Buti nga hindi yun dito sa MU pumasok.

"Alam mo namang hindi sila bati ni Daddy kaya nagpapasaway yon." Ani ni Clea.

Oo nga, simula pagkabata lagi ng galit si Tito kay Ate Chendra. Ang alam kong dahilan ay siya ang sinisisi ni Tito bakit namatay mommy nila Clea.

Mas nauna pa namatay mommy nila sa mommy ko. Si Simone nalang may mommy samin. Sana all.

Pero may mommy na ulit ako, ibang mommy nga lang. HAHAHAHA.

Speaking of Mommy Sam.

I took out my phone from my pocket to message her. Sasabay ulit ako mag lunch sa kanya para libre. Mindset ba mindset.

Ilang linggo na akong libre sa lunch dahil sa kanya pero may kapalit naman. Hinahatid ko siya at sinusunod.

Para kaming bumalik sa umpisa. Noong panahong friends palang kami.

I opened my messenger app and smiled when I saw that she's online.

Me
Sammmm!

Agad naman niya naseen ang message ko ay nagsimula mag type. Iniintay lang ata nito message ko eh.

Sam
What? Need something, Ri?

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now