Chapter 13

39 6 16
                                    

Chapter 13
Setting Into The Horizon

"Ikaw kasi. Bigla mo akong hinila,"

Hannah was laughing so hard and she jokingly put the blame on me. While obviously I'm having a hard time trying to avoid West. Nakakahiya yung nangyari kanina!

"Hindi mo pa sinabi sa akin kung bakit mo iniiwasan si West, Koa." paalala sa akin ni Hannah.

I frustratingly grab my hair kaya mas lalong natawa sa akin ang kaibigan ko. Nandito na kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break namin.

"Hay nako, Koa. Alam mo ang sagot d'yan? Tara, ikain nalang natin 'yan." Hannah was still trying her best not to laugh at my situation. I pouted.

Pinipilit akong patayuin ng kaibigan ko para makabili na kami ng lunch. At dahil hindi hamak na mas malakas siyang manghila kaysa sa akin ay nagpatangay na lang ako. "Tara na," sabi ni Hannah sa akin nang tuluyan na akong makatayo.

I was dumbfounded. Nakilinya na rin ako, nasa unahan ko si Hannah at marami siyang chika pero wala ni isang tumatak sa utak ko. As if her words just entered one ear and exited to my other ear. Nang kami na ang susunod, ako na ang kumuha ng tray naming dalawa dahil busy sa kakukuda ang kaibigan ko. Nakalimutan na kumuha ng kanya.

Inabot ko ang tray kay Hannah at nagpasalamat naman siya. I ordered spaghetti for my lunch and a bottled water. Whilst Hannah went to order one and a half cup of rice, one serving of chicken adobo and a bottle of water as well. Hindi na ako mag he-heavy lunch dahil hindi ko masikmura na mabusog dahil sa nangyari kaninang umaga. Agad kaming bumalik sa table namin kanina. Hannah and I uttered our own prayers then we started digging in to our food.

I sighed. Ikakain ko na lang ang hiyang natamo ko kanina. Si Hannah naman nagpatuloy lang sa pagkain. Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga habang ang mga mata ko ay nasa spaghetti na kanina ko pa iniikot-ikot sa tinidor.

Nagulat naman ako nang biglang ibagsak ni Hannah ang kutsara niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. "That's the fifth time you sighed after we came back here to eat," reklamo ng kaibigan ko.

Umangat ng kaunti ang gilid ng labi ko nang makita si Hannah. Puno ang bibig nito ng kanin at yung mga mata niya ay tila parang galit na galit. Gusto kong matawa pero ng maalala na naman ang nangyari kaninang umaga ay nagpakawala ulit ako ng hininga.

"Ika-anim na 'yan, Koa," tinitigan nito akong mabuti, animo'y sinusuri ako gamit ng kanyang mga mata.

Hannah leaned a bit forward to whisper something to me. Itinaas nito ang kamay niya at sinabihan akong lumapit. Ginawa ko naman. "Hindi ba masarap ang luto nila ng spaghetti ngayon?" ang tanong niya.

Hindi makapaniwala na tinitigan ko si Hannah. Did she really asked that? I was really fighting the urge to laugh so I tried biting the insides of my cheek. Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko, "Sinasabi ko na nga ba! Kanina pa lang habang nag-oorder tayo, busangot na mukha ng tindera, kaya siguro hindi masarap luto niya ng spaghetti." bulong niya ulit sa akin at ang ulo ay lumingon sa tindera.

"Uy, si Ericka." rinig kong sabi ni Hannah kaya napalingon na rin ako sa kung saan siya nakatingin. Nahagip naman kaagad ng mata ko si Ericka. Palinga-linga siya at may hawak na tray din. Siguro naghahanap ng bakanteng upuan. Mabuti na lang at medyo mahaba itong table na inuupuan namin ni Hannah. Kasya nga dito anim na tao eh. Hindi ko nga alam kung bakit walang nagtangkang makiupo kanina kasama namin kahit na puno ang cafeteria ngayon.

"Ericka!" tawag naming dalawa ni Hannah. We both stood up and waved our hands para makuha ang atensyon niya. Hindi naman kami nabigo.

Agad lumapit sa table namin si Ericka. Inilapag niya ang tray sa mesa at naupo sa tabi ko. She fixed her hair first.

Setting Into The Horizon (Painted Colors Series 1) ON HOLD Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang