Chapter 28

28 4 0
                                    

Chapter 28
Setting Into the Horizon



Maaga akong nagising para magluto at pumunta sa trabaho. Tinulungan ko munang makapunta sa maliit naming hardin si Mommy para magpainit. Sakto naman at dumating na rin si Ry.



Nakiusap kasi ako sa kanya kagabi na kung pwede niya munang bantayan si Mommy dahil may trabaho pa ako bilang isang secretary ng isang clinic dito lang din malapit sa amin. Wala pa kasi akong nahahanap na papalit kay Aling Manda. Isa pa, busy ngayon sa clinic dahil weekend. Sigurado akong gagabihin na naman ako ng uwi.



Close si Mommy kay Ryleil kaya wala akong poproblemahin. Laking pasasalamat ko nga at nandito ang kaibigan ko at pinagbigyan pa akong bantayan muna si Mommy ng isang araw.



Nagpaalam na rin ako sa dalawa at nilakad na lang ang distansya papunta sa clinic. Naghihintay na rin sa akin doon ang secretary rin na naka assign ng night shift. Twenty four hours kasing bukas ang clinic para icater ang mga pasyente. Nagbihis muna ako ng scrub bago pumwesto sa station ko.



Pumasok din naman si Doc Ligaya nung naka upo na ako.



I greeted her good morning and she smiled at me. May binigay rin siya na kape at garlic bread na mainit pa. Siguradong galing 'to sa isang sikat na cafe hindi kalayuan sa clinic namin. Nagpasalamat ako at si Anna, na isa ring staff dito sa clinic.



Hindi nagtagal ay dumagsa na nga ang mga pasyente. Mabuti at naubos ko yung kape bago lumamig.



Karamihan sa mga pasyente ay mga bata at kadalasan ay ubo at sipon ang sakit nila. Kinuha ko muna ang mga pangalan nila at edad pagkatapos ay kinuha an ko rin sila ng vital signs bago inihatid sa maliit na kwarto kung san naghihintay si Doc Ramirez.



Dalawang taon na rin nung nagtrabaho ako dito. Si Ryleil lang din ang nagmungkahi sa aking mag apply dahil may background na rin naman ako sa healthcare nung nag trabaho ako sa Emergency Medical Service ng dalawang taon rin bago ako naging permanent dito sa clinic.



Gaya ng inaasahan ko ay marami nga ang pumuntang pasyente. Kilala na kasi ang clinic kaya parating dinadagsa.



Siguro mga alas-nuebe na ng gabi kami napalitan ng mga nasa graveyard shift. Nag-aya rin si Doc Ramirez na kumain ng hapunan kaya hindi na namin tinanggihan ang grasya. Naglakad na lang kami dahil walang dumadaan na tricycle.



Habang kausap ni Anna at Karen si Doc ay medyo binagalan ko ang lakad ko para kunin ang telepono sa bag. Tinanong ko lang si Ryleil kung Kumain na ba si Mommy. Ilang segundo lang ay nagreply siya.



Ry: Tapos na kaming kumain ni Tita kanina pa. Nanonood lang siya ng telenovela ngayon sa sala niyo. Ikaw ba?

Setting Into The Horizon (Painted Colors Series 1) ON HOLD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon