Chapter 29

23 4 2
                                    

Chapter 29
Setting Into the Horizon



Nakiusap ako kay Florence, yung nagbabantay kay Mommy kung libre ba siya sa darating na Biyernes dahil nga kaarawan ni Doctora.



"Bakit saan ka pupunta?" tanong ni Mommy habang nagmemeryenda kami.



"Birthday po ni Doctora," sagot ko sa nanay ko. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil may mga crumbs ng tinapay na naiwan doon. "Inimbita niya po kaming dalawa ni Ryleil."



"Ganon ba? Okay lang naman na gabihin ka. Ayos lang naman kay Flo na dito raw muna siya matutulog ng isang gabi." si Mommy.



Nasabihan ko na rin si Ryleil sa imbita ni Doc at ang isa ay excited. Namalengke na nga ng isusuot niya. Huwebes na at inaya pa ako. Wala naman talaga akong plano na bumili dahil meron na rin naman ako roon sa bahay. Regalo lang talaga para kay Doctora ang bibilhin ko. Umikot pa kami at binisita ang ilang stalls lalo na yung mga nagtitinda ng swimwears.



Nakasunod lang ako sa kaibigan ko habang namimili siya ng para sa kanya hanggang sa dumako kami sa two piece section. May inabot siya sa aking isang puro puting two piece at isang purong itim rin pero string ang gamit para itali yun sa likod at yung pang ibabang suot. 



Hinawakan ko ang inabot sa akin ni Ryleil. May hawak rin kasi siya baka nahihirapan na bitbitin lahat. Matapos siyang pumili ay humarap siya sa akin at tinitigan muna ako bago ibinalik ang tingin sa dalawang hawak ko na two piece. Tumango siya at kinuha na yun sa akin at nagbayad.



Pagkatapos niya bumili ay dumiretso na kami sa malapit na department store. Habang nasa bahay na ay iniisip ko na kung ano ang pwedeng iregalo kay Doc kaya mabilis lang akong nakabili. Si Ryleil naman ay bumili na raw. Damit daw yung ireregalo niya kay Doc. Hindi ko nga lang alam kung saan doon sa pinamili niya kanina.



Kumain lang kami saglit sa Tom's Cafe. Libre ko dahil ang laki ng ginastos ngayong araw ni Ryleil ako ang naaawa sa pitaka niya. Sumakay kami ng traysikel pauwi at nauna akong bumaba pero bago pa man tuluyan umandar ulit ang traysikel ay ibinigay sa akin ni Ryleil ang isang supot na pinamili niya kanina.



Tinignan ko ang nasa loob nito at namilog ang mga mata ko.



"Suot mo 'yan bukas!" sigaw niya dahil umandar na ang traysikel at.



Binalik ko ang tingin sa kaibigan ko at kumaway lang siya sa akin at ngumisi.



Sumunod na araw ay maaga ako nagising para magluto ng agahan para kay Mommy at Flo. Ilang minuto lang din ay dumating na si Flo. Ngumiti siya sa akin bago nagpaalam na papasok siya sa kwarto ni Mommy at hindi nagtagal ay tulak-tulak na niya ang nanay ko palabas at hinatid sa harap ng hapag. Habang naghihintay na matapos ang pagkulo ng niluluto ko ay pinagmamasdan ko ang bagong tagabantay ni Mommy.

Setting Into The Horizon (Painted Colors Series 1) ON HOLD Where stories live. Discover now