Chapter 31

22 2 1
                                    

Chapter 31
Setting Into the Horizon



Nung umaga pagkatapos ng kaarawan ni Doc Ligaya ay inaya niya muna kami kumain ng agahan. Kumatok siya kanina sa kwarto namin ni Ryleil habang naliligo ako. Yung kaibigan ko naman ay tulog pa rin kaya nag send na lang ng text sa akin si Doc.



Medyo late na nga kami dahil ginising ko pa si Ry. Ang dami niyang nainom kagabi. Si Derek, Chris at West ang naghatid sa kanya sa kwarto. Matutulog na sana ako nung kumatok sila. Nagsuot lang ako ng robe ang bigay ng Inn para takpan ang pantulog na suot ko.



Tinulungan nila na maiakyat sa kama si Ry bago lumabas ulit. Huling lumabas si West.



Gusto ko sana na kausapin siya saglit. Hinuli ko ang mga tingin niya pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.



"Lock the door," malamig na sabi sa akin. Hawak niya ang knob at siya na rin ang nagsarado ng pinto.



I was stunned, my lips parted a little. Nakatunganga ako sa likod ng pintuan at isang marahas na paghinga ang pinakawalan ko.



Kumpleto na sila sa mesa nung nakapasok kami sa dining hall ng Inn.



Si Doc ang unang bumati sa amin ni Ryleil at halos sabay ang iba na umangat ng tingin, maliban kay West na sumisimsim sa kanyang kape. Suot niya ngayon ang glasses niya. Nang ibaba ang tasa ay sa dalang laptop niya lang siya tumingin.



Binigyan ako ni Ryleil ng plato at doon lang umalis ang tingin ko bago ko binalik ulit 'yon sa kanya. Busy pa rin siya sa laptop niya.



Nararamdaman niya sigurong may nakatingin kaya umangat ang kanyang mga titig pero saglit lang 'yon. Sinubukan kong hulihin ang titig niya pero sinulyapan lang ako at binalik ulit ang tingin sa laptop.



I pursed my lips and gave up.



The whole time I was eating my breakfast, I kept on stealing glances at him but I guess he was too busy to even notice. Hanggang sa nakita ko sa relo ko na alas-nuebe na pala ng umaga.



May klase kasi si Flo ng alas-diyes kaya maiiwan si Mommy sa bahay. Ako na rin pala ang nagpapaaral sa batang 'yon. Yung sweldo niya kada araw ay gawin ko nalang daw na pangbayad sa tuition niya sa college. Nagmadali akong kumain dahil bibigyan ko pa ng allowance si Flo. Nakalimutan ko kasi magbilin bago ako umalis.



Inubos ko na ang pagkain na sa plato ko.



I wiped the sides of my lips with a tissue. Timawag ko si Doc, pinapagitnaan namin kasi si Ry kaya sa likod niya kami nag usap. Sinabihan ko lang siya na kailangan ko ng umalis.



"Ganon ba? Sige. Salamat dahil dumalo ka sa kaarawan ko. Kita nalang tayo mamaya sa clinic," Si Doc.



Naibigay ko na rin pala ang regalo ko sa kanyang ballpen na may naka engrave na pangalan niya kaya nagpasalamat rin siya sa akin. Magagamit niya raw 'yon sa pagsulat ng records niya.



Alam na ni Doc ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis ngayon. Kaya kay Ryleil na ako nagpaalam. Kinuha ko rin ang atensyon ng mga kasama namin sa hapag at nagpaalam. Hindi na ako nag atubiling sulyapan si West. Tutal busy naman ata siya sa kanyang laptop.



"Sige na baka naghihintay na yung bata sa'yo," hirit pa ni Doc na may halong panunukso ang boses.



I chuckled softly because her words seemed like I am Flo's mother. Naglakad na ako paalis at kumaway sa kanilang lahat. I smiled at all of them. For the last time, I glanced over West, his forehead creased. His eyes were focused on the screen of his laptop... and it looks like he was mad over something.



Setting Into The Horizon (Painted Colors Series 1) ON HOLD Where stories live. Discover now