KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)

177 11 0
                                    

ו•••••★★★••••••×

*THIRD PERSON's POV*

Pagkapaok ni kys sa tambayan nila ay napangiti siya dahil malinis parin ito.

Nadatnan niya din sila ford na nanonood ng tv sa may sala habang kumakaen ng popcorn.

"Mukhang tapus niyo na ang mga gawain niyo ah" Sita ni kys sakanila bago siya umupo sa pang isahang sofa.

"Syempre naman ayaw na naming madagdagan yong isang linggong utosan mo" Nakangusong sagot ni steven.

Napatawa naman ang dalaga habang nakatingin sakanila.

"SINONG GUMAMIT NG CR NA HINDI MARUNONG MAG BUHOS!!" Galit na sigaw ni kiko mula sa banyo.

"Hahahahahaha mukhang hindi lang isang linggo ang mangyayari" Tumatawang sabi ni kys habang nakahawak sa may tyan niya.

Kita niya ang pag kainis ni steven tumayo ito sa pagkakaupo.

"Sinong umihi sainyo na hindi nanaman nag buhos?!" Galit na tanong ni steven sa mga kasama niya wala namang sumagot sakanila.

"Anong kinalaman ko dyan hindi pa naman ako gumagamit ng cr" Sagot ni ford ng tignan siya ni steven.

"Lalo naman ako maaga ang klase ko kanina hindi ako pumunta dito nadatnan ko sila kiva kanina dito" Paliwanag naman ni sunny na naka upo sa tabi ni ford.

"BABAENG YON NAPAKA DUGYOT TALAGA!!" Sigaw ni steven dahil sa galit.

Napatingin naman sila sa pintuan ng silid ni sue ng biglang naman itong bumukas nakita nila ang binatang masama ang tingin sakanila.

Nakapang tulog pa ito at gulo gulo ang buhok.

"Sino yong sumigaw?" Malamig niyang tanong habang nakatingin sa mga kaibigan niya.

"Prrfftt--" Gustong matawa ni kys pero agad niya itong pinigilan napatakip siya sa kanyang bibig.

"Sino?! Hindi niyo ba alam na may natutulog?!" Malamig paring tanong ni sue sakanila.

"Dito ka natulog sue?" Tanong ni ford sakanya.

"Ano bang pakialam niyo kung dito ako matutulog wala ba akong karapatan dito!" Galit niyang sagot dito.

Humigpit naman ang hawak ni ford sa mangkok dahil sa galit na nararamdaman niya.

"Ikaw ba yong gumamit ng mga plato at baso na nadatnan kong hindi nahugasan?" Muling tanong ni ford.

"Eh ano kung ako! May problema ba?" Masungit na sagot nito.

"SUE!!!!!!!!" Tawag nila sa kaibigan nila.

"Ikaw din yong umihi sa cr na hindi nagbubuhos?" Tanong naman ni kiko na hawak hawak ang brush na panlinis ng cr.

"Ano naman sainyo? Pag-aari ko to kaya gagawin ko ang gusto ko" Sagot nito sabay balibag pasara yong pintuan.

Napahinga naman ng malalim ang mga kaibigan ng binata.

"Bwesit ka talaga sue porket hindi ka nag lilinis ang kapal ng mukhang mong mag kalat!" Naiinis na sabi ni steven.

Naupo ulit siya sa sofa at masama ang mukhang nakatingin sa pintuan ng silid ni sue.

"Wala ba kayong klase ngayon?" Tanong ng dalaga sakanila.

"Wala na akong klase ewan ko sakanila" Sagot ni ford pero nasa tv parin ang tingin niya.

"Wala na din akong klase" Sagot din ni sunny.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now