KABANATA 44

110 7 0
                                    

*JEON SUE's POV*

_____

Isang linggo na ang lumilipas pero hindi pa rin siya nagigising nanatili lang akong nakabantay sa kanya hindi ako lumalabas ng silid niya gusto ko kapag nagising siya ako ang una niyang makita.

"Ulycon here hindi niyo pa naubos tong prutas" Sigaw ni drusilla habang pinapakain ang kambal. Napatingin ako kay con ng lumapit sa akin ngumiti ito kaya ngumiti din ako sa kanya kumapit siya sa hita ko at akmang aakyat kaya binuhat ko siya.

"Ang sweet nyan ni concon gusto niya lagi siyang kinakandong" Sabi ni drusilla habang sinubuan ng prutas si ulysses.

"Hindi ka ba nahihirapan sa pag aalaga sa kanila?" Tanong nya sa akin na patikim naman ako dahil naalala ko na naman ang unang gabing kasama ko ang kambal.

"Hindi naman" Pagsisinungaling ko "Hindi naman sila mahirap alagaan" Dagdag kong sagot.

"Baka pagod sila kaya hindi nag kulit sobrang kulit pa naman tong dalawa to minsan naawa ako kay kys kapag pinapatulog niya ang kambal siya na ang unang nakakatulog" Kwento niya sakin napatingin naman ako kay kys.

"Hindi na siya mahihirapan ngayon ako na ang mag aalaga sa kambal" Sagot ko sa kanya.

"Anong balak mo sa kanya? Bumawi ka wag mong susukoan si kys" Mataray niyang sabi sakin.

"Yon naman talaga ang balak ko gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako" Inirapan niya naman ako.

"Kong hindi kalang sana tsk!" Mataray niya paring sabi sa akin.

"Alam kong nagkamali ako drusilla pero ngayon itatama ko ang mali ko gusto kong mabuo kame gusto kong pakasalan ulit si kys kahit ilang beses pa yan" Malamig kong sagot sa kanya.

"Pappa" Tawag ni concon habang nakatingin sa akin napangiti naman ako.

"Yes baby ako ang papa mo babawi si papa sa inyo okay" Nakangiti kong sabi sa kanya tumawa naman siya hinagkan ko siya sa noo.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito bumungad sa akin ang seryosong mukha ni fenris tinignan ko naman siya ng seryoso.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Nandito ako para kamustahin si kys at kong pag babawalan mo ako wala akong paki alam hindi pa kayo nag kakaayos kaya pwede ko pa siyang kunin kayo kung gugustuhin ko" Malamig din na sagot niya sa akin.

"Ano sa tingin mo papayag ako sa gusto mo aayusin ko ang meron kami ni kys" Ngumisi naman siya sakin.

"Oras na niloko mo ulit si kys hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo tandaan mo yan sue" Seryoso niyang sabi sa akin.

"Fenris samahan mo kami sa sinasabi ni kys dati na paliguan dito maganda daw don" Singit ni drusilla sa usapan namin.

"Ikaw ng bahala sa kambal kuya" Nakangiti niyang sabi sabay bigay sakin si ulysses tinulak niya na palabas ng silid ni kys si fenris bago siya makalabas ay nag katinginan pa kaming dalawa.

Napatingin ako kay kys ng umubo ito agad akong umupo sa gilid ng kama niya.

"Kys" Tawag ko napatingin naman siya sa akin halatang nagulat siya pero agad din naging seryoso ang mukha niya.

"Mamma" Tawag ng kambal sa kanya napatingin siya sa kambal.

"Ulycon" Mahina niyang tawag agad naman lumapit ang dalawa at niyakap si kys.

"Kamusta ang pakiramdam mo may masakit ba sayo?" Tanong ko napatingin naman siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito kapa?" Balik niyang tanong sa akin.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now