KABANATA 35

2.7K 74 5
                                    

*JEON SUE's POV*

____

Seryoso akong nakatingin sa laptop ko habang nakaupo dito sa may sofa hinihintay ko kung lumabas ba si rosemarry kagabi hindi ko maiwasan na hindi manghinala dahil sa mga sinasabi ni mavi noon hindi ko lang pinapansin pero pati si jacob ay nag lilihim na sakin napa ayos ako ng upo ng makita ko siyang palabas ng silid namin tumingin pa siya sa paligid bago naglakad pababa ng hagdan habang pababa siya ay palinga linga pa ito.

Dahan dahan siyang nag lakad palabas ng bahay napakunot  ako ng noo dahil papunta siya sa may gubat anong gagawin niya don nanatili lang akong nakatingin  sa screen ng laptop ko hanggang sa nawala na ito hindi na kita sa cctv kong nasa na siya.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok si jacob seryoso ang mukha niya.

“Sue may hindi magandang balita sinugod daw ng ibang bampira ang mga lobo pumunta ako kung saan nangyari ang labanan totoo ngang may nangyaring hindi maganda may mga nakita akong patay na bampira at mga dugong nagkalat muli na namang sumalakay ang mga kalaban natin tuluyan na ata nilang sinisira ang ugnayang meron ka kay filtiarn” Seryosong paliwanag nito sa akin napahilot naman ako ng sentido ko dahil kapag nalaman ito ng aking ama magagalit nanaman yon.

“Alamin mo kung sino ang nag uutos sa kanila at dahil mo sakin” Seryosong utos ko sa kanya.

“Pinapasabi pala ng iyong ama na pupunta daw kayo ngayon kay filtiarn para makipag-usap” Napa buntong hininga ako bago ako tumango.

“Sige nandyan na ba siya?” Tanong ko.

“Halos kararating lang mukhang mainit ang ulo hinahanap niya din ang iyong ina at si drusilla” Sagot niya sakin bago ito lumabas isinarado ko na ang laptop ko at nilagay dito sa may drawer ng lamesa bago ako tuluyang lumabas ng office ko ay inayos ko muna ang sarili ko.

Napatingin ako kay rosemarry na kakaakyat lang sa hagdan may dala dala itong mangkok, Malalaman ko din kung ano ang itinatago mo ayoko sa lahat pinagtataguan at trinatraydor ako.

Tsaka ang ako tuluyang nag lakad ng hindi ko na siya makita saktong palabas ako ng bahay ay nakasalubong ko ang aking ama seryoso ang mukha nito.

“Sinugod ng mga bampira ang lugar nila filtiarn alamin mo kung sino ang nasa likod nito hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari  sue oras na nabigo ka dito kukunin ko pabalik ang ibinigay kong trono sayo!” Malamig nito sabi sa akin napatango naman ako.

“Nasan pala ang magaling ina at kapatid pati si mavi hindi ko ata nakikita ang tatlong yon?” Tanong niya sakin.

“Umalis sila may pupuntahan daw si mama na kaibigan sumama ang dalawa” Sagot ko sa kanya napahilot naman siya ng sentido niya.

“Nagawa pa nilang mamasyal  puro problema na ang nandito tawagan mo si mavi at pauwiin sila dito!” Galit niyang utos sa kin “Hindi na nag bago ang iyong ina talo pa dalaga kung magliwaliw!” Dagdag nito habang umiling iling.

“Maghanda ka aalis tayo!” Muling sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob tumango na lamang ako lumabas na din ako ng bahay lumakad ako papunta sa pinuntahan ni rosemarry.

Tumingin ako sa paligid ano bang meron dito at kailangang patago pa siyang pumunta dito ano ba talaga ang tinatago mo dito  rosemarry nag patuloy ako sa paglalakad habang pinakikiramdaman ang paligid.

Napatingin ako sa puno kung saan nakita ko kys nung kasal namin ni rosemarry kusa akong dinala ng mga paa ko don napatawa na lang ako ng mapakla bakit hindi ka parin mawala sa isipan ko?. Bakit umaasa parin ako na sana nabuhay ka kahit alam kung malabo na?. Sana pala hinayaan na kita hindi na kita pina hanap at binabalak na patayin simula nawala ka parang wala ng buhay ang kalahati kong katawan.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now