KABANATA 33 [Babala]

2.8K 79 2
                                    

*THIRD PERSON’s POV*

Maagang nag kakagulo ang lahat ng makita nila ang mga dala dala nila fenris na mga bangkay ng mga ibang kasamahan ni lang mga lobo na wala ng buhay agad na pinaalam ni kiera ang nangyari itong kay filtiarn.

"King may nakita sila fenris na mga bangkay ng iba nating kasamahan" Napa tayo si filtiarn dahil sa nalaman niya at agad na naglalakad palabas ng aklatan niya sumunod naman si kiera sa kanya.

"Alamin mo kung sino ang may gawa nito oras na ang mga bampira ihanda ang lahat susugod tayo" Galit na sabi ni filtiarn sa kanya.

"Masusunod po" Magalang na sagot ng dalaga.

Pag karating nila kong nasa ang mga bangkay ay isa isa niya itong tinignan sa kulay ng balat nila ay ilang araw na silang patay.

"Higpitan niyo ulit ang pagbabantay niyo at wag hahayaang may pumunta ng gubat  oras na may nag matigas ikulong at parusahan" Sigaw nito sa mga tauhan niya.

Habang si fenris naman ay papunta sa silid ng dalaga kumatok muna ito bago pumasok pero laking gulat niya ng makitang nandon si ulrica at mga pinsan nito.

"May dapat kayong makita" Seryoso nitong sabi napakunot naman ng noo si kys.

"Bakit fenris ano yon?" Tanong ni ulrica sa kanya.

"May mga namatay na lobo nakita namin sa gubat" Agad na sagot nito nagulat naman sila sa nalaman nila.

"Gusto ko silang makita" Sabi ni kys na bababa na sa kanyang kama kahit nahihirapan na ito dahil sa laki na ng tiyan niya.

"Mas makakabuti na dito ka na lang rudina" Sabi ng kanyang ina.

"Pero mama gusto kong mak—-"

"Kailangan mong mag pahinga rudina malapit ka ng manganak pinapahirapan mo lang ang sarili mo kami na lang ang pupunta" Pagpuputol ng kanyang ina sa kanyang sasabihin wala siyang nagawa kundi ang umupo ulit sa kama niya.

"Maiwan ka dito fenris" Seryosong sabi ni ulrica sa kanya tumango naman ang binata kinikilig namang nakangiti sa kanya sila ulva ng lumabas sila ng silid ni kys pumasok na si fenris sa loob.

"Anong nangyari fenris? Sa tingin mo sino ang may gawa nito?" Tanong sa kanya ng dalaga habang nakatingin sa malayo.

"Wag mo munang isipin ang mga bagay na ito hayaan mo ang iyong ama at ina na alamin kung sino ang nasa likod ng pangyayaring ito isipin mo ang malapit munang panganganak" Seryoso na sabi sa kanya ni fenris napa ngiti naman ang dalaga sa kanya.

Mabilis lumipas ang araw para sa dalaga kabwanan niya na ngayon kaya todo bantay ang kanyang ina sa kanya pati narin sila zarahi at mga pinsan nito.

Tumayo ang dalaga napatingin naman sa kanya si fenris agad siyang lumapit nito at inalalayan.

“Gusto kong mag pahangin” Sabi nito sa binata nagulat siya ng bigla siyang buhatin ni fenris at naglakad papunta sa may terrace ng kanyang silid pinaupo siya ng binata nanatilin na naka tayo si fenris sa tabi nito habang nakatingin siya sa paligid.

Sumingkit ang mga mata nito ng makita niya si rollin na nakatago sa may puno habang nakatingin kila filtiarn at ulrica habang kinakausap ang iba nilang kasamahan.

“Kunin niyo si rollin” Malamig na sabi ni kys napatingin ang binata sa kanya nakatingin pala ito kay rollin kita ng binata ang galit sa mata ng dalaga.

Nagulat ito ng bigla siyang tumalon mula sa terrace ng kanyang silid naging lobo ito nagulat din ang kanyang ama at ina tinalon ni kys si rollin hindi naman makagalaw ang ginong dahil sa gulat na biglang pag litaw ng dalaga sa harapan niya na galit na galit ito habang nakatingin sa ginong para naman nanigas si rollin sa kanyang pagkakahiga.

The Last Blood [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang