KABANATA 25

3.3K 88 0
                                    

*THIRD PERSON's POV*

Dahan dahan na bumaba ng kama si rosemarry ng makita niyang tulog na tulog na ang binatang katabi niya agad syang kinuha ang roba ng nighties nya at walang ingay na lumakad palabas ng silid nila.

Dahan dahan nya itong isinarado huminga muna sya ng malalim  tsaka sya tumingin sa paligid kung may gising pa ba nang masigurong wala ng gising ay dahan dahan ulit syang lumakad pababa ng hagdan.

Kinakabahan ito dahil once na nakagawa sya ng ingay ay siguradong mahuhuli sya kahit malamig ay pinagpapawisan ito dahil sa kabang nararamdaman nya.

Pagkababa nya ng hagdan ay muli siyang tumingin na paligid tila nabunotan sya ng tinik sa dibdib ng wala na itong makita at napaka tahimik na ng bahay pero hindi niya alam na may nakakita sa kanya walang iba kundi si mavi na lalabas sana galing kusina pero nakita sya nitong pababa ng hagdan kaya nanatili itong nakatago sa may pintuan ng kusina bumaba ang dalaga dahil nakaramdam ito ng uhaw kahit inaantok pa sya ay pinilit nyang bumababa pero hindi niya akalaing ito ang makikita nya na pangisi ang dalaga.

Kita nya ang paglabas ni rosemarry ng bahay dahan dahan nya pang isinarado ang pintuan dahil sa gustong malaman ni mavi kong saan pupunta ito ay sinundan nya.

Nagtungo si rosemary sa likod ng bahay ni sue kong saan maraming puno doon mabilis ang kanyang paglakad para mabilis na makarating agad sya sa pupuntahan nya.

Iginala nya ang paningin nya sa paligid maya maya pa ay may lumapit na sa kanyang lalaki na hindi pa katandaan.

"Anong ibabalita mo sakin rollin?" Malamig na sa kanya tanong ni rosemarry pero hindi sumagot ang lalaki kundi siniil nya ng halik ang dalaga na agad naman nya itong tinugonan.

Na patakip nang bibig si mavi dahil sa nasaksihan nya hindi sya makapaniwala sa nakikita niya galit na galit ito sa dalaga dahil sa kataksilan ginawa nya kay sue.

Lumalim ang halikan nilang dalawa lalong hinapit ni rollin ang bewang ng dalaga at inaalis ang roba ng nighties na sinuot ng dalaga kanina.

Bago pa kong saan mapunta at lalong lumalalim ang halikan nilang dalawa ay kumalas si rosemarry na ikinagulat naman ni rollin ngumiti ang dalaga sa kanya.

"May sasabihin ako sayo siguradong magugustuhan mo" Nakangiti nitong sabi nag taka naman si rollin.

"Buntis ako rollin dala dala ko na ngayon ang anak mo namumuno sa inyong mga lobo" Masayang balita sa kanya ni rosemarry hindi naman malaman ni rollin ang nararamdaman dahil magkakaanak na ulit sya napakasaya nito niyakap niya si rosemarry dahil sa kasiyahan na nararamdaman.

Hindi naman makapaniwala si mavi sa narinig niya gustong gusto nya ng sugorin ang dalawa pero nag titimpi sya ng galit nya kailangan nyang manatiling tahimik at hindi malikha ng ingay para mas marami pa syang malamang lihim ng rosemarry.

Kumalas sa pag kakayakap si rollin sa dalaga lumuhod ito at hinawakan ang tiyan ni rosemarry na hindi pa halatang may dinadala itong bata.

"Bilisan mong lumabas dahil naghihintay na sayo ang magiging trono mo hindi ako papayag na yong anak ni filtiarn ang papalit sa kanya" Seryosong nitong sabi habang hinahaplos ang tiyan ni rosemarrry.

"Anak ni filtiarn? bakit nahanap naba?" Nagtatakang tanong naman ni rosemarry labis naman ang kabang naramdaman ni mavi dahil baka sabihin ni rollin kong sino ang anak nito.

"Oo nahanap na sya at sinasabi ni filtiarn na sya daw ang ipapalit nito pero bago mangyari yun kailangang may gawin na ako" Nakangising sagot nya sa dalaga.

"Alam kong magtatagumpay ka mahal kong rollin" Malambing namang sabi ni rosemarry sa kanya.

"Papatayin ko siya tulad ng pagpatay ko sa kanyang ina noon hindi pwede sya ang maupo marami na akong ginawa at pinaghirapan para mapatunayan na ako ang dapat ang pumalit sa kanya" Tumawa naman si rosemarry.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now