KABANATA 14

3.7K 58 12
                                    

*KYS EUNA's POV*
_______

Halos napapapikit ako dahil sa sobrang sarap ng mangang may alamang hindi ko alam kong nakakailang manga na ako ngayon.

"Hoy kys ginugutom kaba ng asawa mo? Nakailang manga kana para kang patay gutom" Sabi sakin ni ford habang nakatingin sila sakin tinignan ko naman sila ng masama.

Nandito ako sa tambayan nila dahil tinatamad akong pumasok oo tinatamad ako tapus laging masama ang pakiramdam ko.

"Sabihin mo lang kong ano pang gusto mo at ibibili ka namin mukhang napapabayaan kana ni sue" Umiiling iling namang sabi ni steven.

"Balatan niyo pa yan ang tatagal!" Pagrereklamo ko sakanila ang babagal kase mag balat ng manga.

"Hindi kaba naasiman dito tsaka kanina kapa kumakaen hindi kaba nabubusog para kang may alagang dragon sa tyan" Pagrereklamo ni sunny habang nag babalat din ng manga.

"Bilisin mo nalang dyan sunny ng matuwa ako sayo" Masungit kong sabi sakanya habang nakatingin sa mangang hinihiwa ni ford naglalaway na agad ako.

"Sobrang init ngayon mag swimming kaya tayo?" Sugguestion ni max habang inilalagay yong balat ng manga sa basurahan.

"Kaya nga outing tayo tagal na nating hindi nakakapag relax" Sangayon naman ni steven

"Mukha ba kayong stress hindi naman ah" Nakanguso kong sabi sakanila

"Alam mo kys kumain kanalang dyan kame ng bahala sa outing" Inis na sagot sakin ni steven.

"Isama niyo ako ah mukhang kailangan ko din ng makapag relax nasstress ako sa higad na sekretary ni sue!" Inis na sabi ko sakanila bago sumubo ulit ng manga.

Tumawa naman sila tinignan ko lang sila ng masama.

"Nauumay na din ako sa pag mumukha nyo eh" Natatawa kong sabi napasimagot naman sila.

"Napakasama mo talaga kys ang gwagwapo naman namin bakit ka nauumay?" Nakangusong pag iinarti ni max.

"Aba bumuhat ata kayo ng sarili nyong bangko" Sabi ko sakanila tsaka tumawa ulit tinignan naman nila ako ng masama wala sila mavi ngayon may mga klase kaya ako lang ang nandito kasama tong mga kulongong to.

"Amoyin nyo tong pabangong binili ko ang bango" Tuwang-tuwang sabi ni kiko habang hawak yong pabango niya.

Nakatingin lang kame sa kanya inispray nya sa damit ni steven agad naman ako napatakip ng ilong.

"Ang bango nga isa pa" Tuwang tuwa na sabi ni steven ako naman halos masuka suka na.

"Ano yan ang baho!" Galit kong sigaw sakanila napatingin naman sila sakin.

"ang bango kaya kys amoyin mo" Sabi ni kiko sabay dikit sa ilong ko yong pabango napatayo ako sa pagkakaupo at tumakbo sa lababo hindi kona mapigilang hindi masuka.

"Hala ka kiko" Sabi ni max sakanya.

"Kys ayus kalang ba?" Tanong nila sakin hindi ako sumagot tumingin ako sakanila ng masama habang nagpupunas ng labi ko.

Mag sasalita sana ako kaso nasusuka nanaman ako humarap ulit ako may lababo.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni mokong na kakarating lang dito ano namang ginagawa nyan dito.

Walang sumagot sakanilang lima nanatili silang tahimik napatingin ako sa tabi ko ng may humahagod sa likod ko si sue.

"Bakit ka sumusuka?" Tanong nya sakin napasimangot ako.

"Si kiko pinaamoy sakin yong pabango eh ang baho" Parang batang sumbong ko sakanya madilim ang aura nyang tumingin kay kiko.

"KIKO!!!" Sigaw na tawag nya hinawakan ko yong kamay nya napatingin naman sya sakin ng may pag aalala.

The Last Blood [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang