KABANATA 42

120 7 0
                                    

*JEON SUE POV*

Halos mabitawan ko ang hawak hawak kong cellphone dahil sa nalaman ko yung akala kong matagal ng patay ay buhay pa napaupo ako sa upuan ko dito sa office ko hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon masaya na may halong kinakabahan dahil oras na malaman nilang buhay ang nasa propesiya sya manganganib nanaman ang buhay ni kys.

Kung buhay siya ibig sabihin buhay ang anak naming dalawa agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ulit si jacob.

"Alamin mo kung buhay ang anak naming dalawa mag padala ka ng mga magbabantay sa mag ina ko kung sakaling buhay ang bata" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Tungkol dyan sue sasabihin ko pag uwi mo sana ngayon na dahil nanganganib ang buhay ni kys" Pag kasabi yon noki jacob ay binabaan niya na ako tumayo agad ako sa pag kakaupo.

"Ikaw na ang bahala dito" Sabi ko sa secretary ni mama paglabas ko ng office ko hindi ko na siya hinintay pa na sumagot siya tumakbo na ako palabas ng building na pag mamayari ni mama pag karating ko sa parking lot ay tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang nawala.

Pagkarating ko dito sa bahay ay sobrang tahimik patay na din ang mga ilaw bubuksan ko na sana ang pintuan pero agad akong umatras at nagtago ng akmang bubukas na ito nakita ko si rosemarry na lumabas tumingin muna siya sa paligid bago tuluyang nag lakad.

Umintig ang panga ko dahil sa pagpipigil ng galit habang nakatingin sa kanya papunta sa gubat ng hindi ko na siya makita ay lumabas ako sa pinag taguan kong halaman ni mama pumasok na agad ako sa bahay lumakad ako paakyat sa itaas nagtungo ako sa silid mavi kinalampag ko ang pintuan nito maya maya pa ay bumukas ito seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin dahil sa galit ko ay nasampal ko siya.

"Hanggang kailan niyo itatago si kys sakin mavi hanggang kailan niyo ako gagawin tanga!! pinag katiwalaan ko kayo tapos ganito ang igaganti niyo sakin!" Galit kong sigaw sa kanya ni hindi man lang siya nasintak sa akin.

"May dahilan kami para magsinungaling sayo sue ginawa namin yon para sa kaligtasan ng mag ina mo! Dahil gustong gusto mong mamatay sila noong panahon na yon minsan hindi masamang mag sinungaling kong alam mong nasa tama ka mas inisip namin na protektahan si kys sue dahil alam naming yon ang tama ngayong alam muna sasabihin na namin ang lahat sayo" Seryosong sagot niya sakin tsaka niya ako hinila papunta sa kabilang silid pagpasok ko namin ay nakita ko sila mama na seryoso na nakaupo sa may kama.

"Alam niyong lahat? kailan niyo pa alam at kailan niyo balak sabihin ang lahat ng ito?" Galit kong tanong sa kanila.

"Kagustuhan ni kys ito sue dahil natatakot siya na ipapatay mo siya ulit alam mo ba kung gaano siya katakot nung nalaman niyang ipinapapatay mo siya kitang kita namin kong paano niya sisisihin ang sarili niya kada may namamatay na kasamahan nila sinabi niyang baka ikaw ang may pakana nito baka malaman mong buhay siya at pinapapatay mo ulit siya hindi mo ba alam na naging maliit ang mundong ginagalawan ni kys dahil sa ginawa mo" Malamig na sagot ni ayame sa akin.

"Sa likod ng ginawa mo nag aalala pa rin siya sayo iniisip ka pa rin niya mas piniling manahimik sue para sa kanya at sa bata anong gagawin mo kung sakaling sinabi ko sayo noon?" Tanong sa akin ni mavi.

"Hindi ko alam magulo ang isipan ko noon pero ngayon babawiin ko siya gagawin ko ang lahat makuha lang ulit siya" Malamig kong sagot sa kanya.

"Sasabihin na namin sayo ang totoo dahil yun din ang hiling ni kys sa amin bago kami umalis" Singit ni drusilla Nakatingin lang ako sa kanila hindi ako makapaniwala na tinago nilang lahat sa akin to.

"Yung pinatay na kys ni rosemarry isa lang siyang impostor ginawa yon ni zarahi hindi din patay si zarahi buhay na buhay ito tinago siya ni kys para maging ligtas ito pinalabas namin na patay na si kys dahil yon ang hiling ni filtiarn para protektahan ang kanyang anak lalo na ng malaman naming siya nasa propesiya hindi na akong nagtangkang mag sabi sayo dahil nakikita ko kung paano mo protektahan si rosemarry iniisip ko din ang kaligtasan ni kys lahat kami kaya walang nagtangkang mag sabi sayo natatakot kami sa pwedeng mangyari nagsilang ng kambal si kys isang lalaki at babae sinabi niya sa amin na darating ang araw na makikilala mo ang kambal pero sa hindi itong pagkakataon pumayag na din siya sa kagustuhan mong pakikipag kasunduan ulit hinayaan ni filtiarn na si kys ang mag desisyon para hindi siya nakialam" Seryosong sabi ni mavi sa akin napatawa ako ng mapakla dahil sa nalaman ko hindi ko na din mapigilan ang luha ko dahil sa katangahan ko.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now