KABANATA 9 (BadDream)

4K 111 0
                                    

_____

*KYS EUNA's POV*

---

"Wag maawa ka wag!" Umiiyak kong sigaw habang nakatingin kay venezia.

"Ako nalang ang patayin mo wag si sue!!" Muling sigaw ko sa kanya ngumisi sya sakin habang sakal sakal si sue sugatan na sya at mahina na ang katawan.

Samantalang ako walang magawa hindi makalapit sa kanya dahil may mga patalim na nakaturo sa akin konting galaw ko lang din ay mamatay na din ako.

"AKO NALANG VENEZIA AKO NALANG PAKAWALAN MO SI SUE!!" Sigaw ko sa kanya na halos pumutok na yong ugat ko sa leeg.

"HAHAHAHAHAHA Ang sweet nyo namang dalawa wag kang mag alala kys isusunod kita makakasama din kayong dalawa!" Sabi nya sabay tawa ulit ng malakas lalo akong napaiyak.

"K-kys" Nahihirapang tawag sakin ni sue tsaka ito tumingin sa'kin napailing ako napatakip ako ng bibig ng hindi nag dalawang isip si venezia na saksakin si sue sa bandang puso.

Tila tumigil ang mundo ko "H-hindi h-hindi t-to m-maari" Nahihirapan kong sabi habang nakatingin kay sue na nawawala na biglang sumikip ang dibdib ko parang humindi sa pag tibok ang puso ko

"HHHHIIIINDDDDIIIII!!!"

"Kys kys kys!!!" Napabalikwas ako ng bangon ng inalog alog ako ni ayame hingal na hingal ako at pawis na pawis na patingin ako sa kanila.

"Anong problema bakit ka sumisigaw halos mabasag na ang salamin" Nag aalala na tanong ni mavi sa akin hindi ako sumagot napa hagulgol ako ng iyak.

"Hindi hindi pwedeng mangyari" Sabi ko sa kanila habang hindi mapakali.

"Ang alin? bakit?" Sunod sunod na tanong ni ayame sakin. 

Imbis na sagotin ko sya tinanong ko kong meron na si sue.

"Nasan si mokong? Dumating naba sya?" Tanong ko sa kanila nagkatinginan lang sila tsaka umiling.

Lalo akong naiyak paano kung totoo ang panaginip ko paano kung patay na sya halos itakip kona sa mukha ko yong kamay ko kakaiyak.

"Iwanan nyo muna ako gusto kong mapag-isa" Sabi ko tumingin ako sa kanila 

"Please gusto kong mapag-isa" Pakiusap ko sakanila napabuntong hininga sila muli ako na higa sa kama at nagtalukbong ng kumot.

_______________

Nakaupo ako sa may sofa habang hinihintay ang pagbabalik niya simula kagabi hindi pa sya bumabalik.

Sobrang nag aalala na ako dahil sa panaginip ko.

Hindi kya patay na sya hindi malakas siya malakas.

"Hindi kaba papasok kys?" Tanong ni jacob napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi" Tipid kong sagot habang nilalaro ko yong daliri ko.

"Wala parin si sue hindi parin sya bumabalik?" Tanong ko sa kanya umiling sya "Sabi kasing sasama ako ayaw nya  nakakainis talaga yung lalaking yon!" Dagdag ko na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Intindihin mo nalang sya kys ayaw ka lang nyang mapahamak!" Mahinahong sabi nya sakin inirapan ko naman sya

"Kaysa naman nag------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may bumagsak sa sahig.

*BBLLAGG* 

Napatingin ako sa silid namin ng may marinig akong parang may bumagsak.

"Ano yon?" Nag aalala kong tanong at lalong kinabahan may kalaban kayang nakapasok.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now