KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]

3.2K 93 0
                                    

*KYS EUNA POV*

________

Nakatingin lang ako sa mga sumalubong samin ni fenris nakangiti silang lahat samin habang naka luhod.

"Maligayang pag dating Lady rudina" Salubong sa akin ng kasama ni papa noong araw na pinuntahan nila ako "Ako nga pala si Botolf ito naman ang kanang kamay ng iyong ama si rieka" Pakilala nya sa babaeng kasama nya tumingin ako tsaka ako ngumiti sa kanya sa mukha palang nya ay halatang malakas na ito.

"Nagagalak akong makilala ka lady rudina matagal ka na naming hinihintay" Nakangiti niyang sabi.

"Pasensya kana kong pinag hintay ko kayo ng matagal" Sagot ko sa kanya.

"Tara na lady rudina kanina pa kayo hinihintay ng iyong ama at ang mga iba nating kasamahan" Tumungo nalang ako tsaka sumunod sa kanya.

"Kys binabalaan kita wag kang mag tiwala sa isang kapatid ng iyong ama na si rollin" Seryosong sabi sakin ni fenris kunot noo naman akong na patingin sa kanya.

"Bakit? kalaban ba sya?" Tanong ko sa kanya.

"Minsan ng nagtaksil si rollin satin kaya kong ano man ang mga tinatanong nya sayo wag mong sasagutin hayaan mo sya" Bilin nya sakin napatango naman ako kong nagtaksil sya bakit nandito pa siya dapat hindi na siya karapat dapat dito.

"Lalona't  nandito kana gusto nyang siya ang pumalit saiyon ama pero ayaw ng mga kasamahan natin at nagpasya silang ipa hanap ka ulit" Dagdag niyang sabi sakin bago kame pumasok sa isang pintuan.

Napatingin ako sa mga nakaupo marami din nakahadang pagkain mga prutas at kung ano ano pa.

Tumayo ang aking ama at seryosong sinalubong kame ngumiti ako sa kanya pagkalapit nya sakin ay agad ko syang niyakap.

"Mabuti at ligtas kayong nakauwi dito" Bulong nya sakin tumango tango naman ako.

"Maari ko bang pabayaan ang anak nyo" Seryosong sabi ni fenris pagkakalas ng yakapan namin ay inakbayan ako ni papa at naglakad palapit sa mga nasa lamesa sumunod nadin si fenris samin at naupo.

"Ito ang aking anak ang matagal ko ng hinahanap at sya na ang papalit sa aking pagdating ng araw" Seryosong balita nito sa mga kasamahan nya.

"Hindi kapa nakakasiguro na siya ang anak mo filtiarn bakit sya ang ipapalit mo sayong pweto" Seryosong pagtutol ng isa sa mga kasamahan nya tinignan ko sya sa tingin ko sya yung sinasabi ni fenris sakin.

"Sino ba dapat rollin ikaw? Wag na tayong mag lolokohan pa hindi mangmang si filtiarn para ibigay sayo ang trono nya" Natatawa naman sagot sa kanya ng isa pang lalaki so sya nga ang sinasabi ni fenris.

"Sino ba dapat ranulfo ikaw? Mas maigi pang paslangin na kita ngayon" Malamig nitong pagbabanta nya sa lalaki kaninang nag ngangalan ng ranulfo.

"Umiiral na naman yang katraydoran mo rollin" Sita naman sa kanya ni fenris.

"Masyado kana talagang uhaw sa trono ko rollin baka nakakalimutan mo ako ang dahilan bakit ka pa nandito oras na ang anak ko na ang nakaupo hahayaan kona syang magdesisyon kong ano ang dapat gawin sayo" Pinakamalamig na sabi sa kanya ng aking ama kita ko ang paglunok nito ng sarili nyang laway tumingin sya sakin ng masam ngumiti lang ako sa kanya.

"Nagagalak po akong makilala kayo ayuko po sa lahat ang traydor" Nakangiti kong sabi sakanila tsaka ako tumingin kay rollin ng seryoso.

"Kumain na tayo mamaya na tayo mag usap" Sabi ni ranulfo.

"Sasabihan ko ang mga pinsan mo mamaya para samahan kang mag libot libot dito" Nakangiti namang sabi ng katabi ni rollin.

"Pwede ba akong mag tanong?" Nakangiti kong tanong sa kanila tumango naman sila maliban kay rollin.

The Last Blood [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin