KABANATA 40

4.6K 100 91
                                    

*THIRD PERSON’s POV*

______

Nakahanda na  lahat ng pagkain sa lamesa para sa gaganaping kaarawan ng kambal hinihintay na lang silang lumabas ang mag ina hanggang ngayon kasi hindi pa sila lumalabas.

“Hindi tayo lalabas dito hanggat hindi mo sinusuot yang dress na yan kys” Pagbabanta ni drusilla habang naka harang sa pintuan.

“Ayokong isuot yan drusilla halos labas na kaluluwa ko” Pagrereklamo ni kys sabay bato ng pulang dress na bigay ni ulva sa kanya.

“Bahala ka magugutom sila don hindi talaga tayo lalabas dito hanggat hindi mo isusuot yan” Pagmamatigas ni drusilla, Napabuntong hininga si kys dahil mapapasubo ata siyang mag suot ng lintik na dress na yan.

“Hindi ako nagsusuot ng ganyan drusilla okay na ako sa suot kong ito” Tukoy niya sa suot niyang bulaklakan na blouse at naka black jeans at hindi kataasang black sandal.

“No ayoko yan tignan mo ang suot ng kambal sa sout mo napag iwanan ka na” Malditang sagot ng dalaga sa kanya sabay bato ng dress sa mukha niya.

“Mag palit ka don hihintayin ka namin” Utos nito wala siyang magawa kundi mag tungo sa banyo niya at mag palit ng damit, Nakatingin lang siya sa sarili niya sa salamin.

See

“Damit pa ba to parang hindi na or sadyang hindi lang ako sanay mag suot ng ganitong damit?” Sabi nito habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin.

“Ano kys lalabas ka pa ba dyan?” Tanong ni drusilla habang kina katok ang pintuan ng banyo muling napa buntong hininga si kys wala siyang nagawa kundi ang lumabas sa banyo napangiti naman ang dalaga ng makita siya.

“Oh diba bagay sayo parang wala kang anak kong makita kang ganyan ni sueng for sure masusundan agad si ulycon” Sabi ni drusilla sa kanya sabay tawa.

“Tigil tigilan mo ako drusilla” Pagtataray ni kys sa dalaga.

“Bakit gusto ko ng maraming pamangkin para maingay sa bahay” Nakangiti niyang sagot.

“Tara na hinihintay na nila ang kambal” Dagdag nito sabay kuha kay conwenna si kys naman ay hindi mapakali dahil sa suot niyang dress na hindi lagpas tuhod ay hapit na hapit sa kanya.

Hinawakan niya na yong kamay ni ulysses tsaka sila nag lakad nakasunod lang sila kay drusilla.

Napanganga naman sila fenris ng makita si kys hindi sila makapaniwala na may tinatago palang kasexyhan ang dalaga hindi kasi halata sa kanya dahil lagi itong nakasuot ng maluwag sa kanya na damit.

"Si kys ba yan? Ang chicks niya pota" Hindi makapaniwala na sabi ni sunny.

"Liligawan ko na yan si kys handa akong magpakatatay sa kambal" Sabi naman ni ford habang hindi inaalis ang tingin kay kys.

"Sayang si sue hindi nakita ang kagandahang taglay ni kys baka hindi na yan palabasin ng silid nila kung nagkataon" Sabi naman ni steven na sinusuri ang katawan ni kys.

"Yang mga mata nyong malagkit kung tumingin gusto nyo bang dukotin ko yan?" Pagbabanta ni mavi sa kanila napaiwas naman agad sila ng tingin natawa si fenris dahil sa ginawa nila.

Tumayo siya para salubungin si kys ngumiti naman ang dalaga sa kanya.

"Pappa" Tawag naman ni ulysses sa kanya ng makalapit siya sa mag ina.

"Ang pogi natin ngayon uly patingin ng ngiti" Nakangiting sabi ni fenris sa bata tumawa naman ito natawa naman si kys. Nagulat siya ng ilapit ni fenris ang mukha niya sa tenga nito.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now