KABANATA 38

3.2K 85 0
                                    

*JEON SUE’s POV*

____

Nakahanda na lahat ng gamit ko para sa pag alis ko papuntang ibang bansa.

“Hindi ba talaga kami pwede sumama ni horace?” Tanong ni rosemarry habang nagpapadede ang anak namin.

“Dito na lang kayo nandyan si mama hindi ka pagiinitan ng dalawang yon kapag may problema sabihin mo kay jacob tatapusin ko agad para makauwi ako ayokong mag tagal don” Sagot ko habang inaayos ang necktie ko.

“Alam mong pati si mama ayaw sakin paano kung may gagawin siya na masama sa akin o kaya sa anak natin” Tumingin ako sa kanya.

“Walang gagawin si mama kong wala kang ginagawang pinaghihinalaan niya” Napa buntong hininga siya. “Sinabi niya sakin na siya na ang bahala kay horace kaya wala ka dapat ipag alala” Dagdag ko. Lumapit na ako sa kanya at hinagkan niya sa noo bago ako lumakad palabas ng silid namin sakto naman pag labas ni drusilla sa silid niya.

“Oh saan punta mo kuya sueng?” Tanong nito ng makita ang maletang hila hila ko. “Lalayasan muna ang asawa mo sige ka baka pumunta na yon sa lalaki niya” Dagdag niya sabay tawa.

“Kong wala kang matinong sasabihin drusilla itikum mo nalang yang bibig mo hindi na ako natutuwa sayo” Malamig na sagot ko sa kanya imbis na matakot siya lalo pa siyang natawa.

“Hoy drusilla tara na nasan na si mama?” Tanong ni mavi pag kalabas niya ng silid niya may mga dala dala itong paper bag.

“Ay hala nakalimutan ko yung regalo ko kay conwenna” Sabi naman ni drusilla at agad na pumasok sa silid niya pag labas niya ulit ay may mga dala na din siya.

“At saan na naman kayo pupunta?” Tanong ko.

“Sa mga pama----” 

“Hoy drusilla  tara na!” Muling aya ni mavi sa kanya habang pababa ng hagdan tumakbo na siya para habulin si mavi nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang pababa ng hagdan binatokan pa siya ni mavi ng makalapit siya.

Lumakad ako pababa ng hagdan habang may pag tataka na nakatingin pa rin sa kanila.

“Aalis ka na sue?” Tanong ni mama na pababa din ng hagdan may mga dala din ito saan na naman pupunta ang mga to.

“Ma saan na naman kayo pupunta? Akala ko ba babantayan mo ang mag ina ko?” Tanong ko sa kanya.

“Uuwi din ako kaagad kapag na bigay kona tong regalo ko sa apo ko” Sagot niya bago ngumiti napa kunot naman ako ng noo.

“Apo?” Tanong ko tumango naman siya.

“Apo ko sa anak ng kaibigan ko birthday niya bukas kailangan maibigay ko tong regalo ko sa kanya” Sagot nito.

“Mama patingin ako ng regalo mo” Sabi ni drusilla sabay hablot ng hawak niyang paper bag nakatingin lang ako sa kanila habang nilalabasan ang mga damit ng bata may paper bag.

“Mama bakit ang daya mo saan mo nabili tong mga ganitong damit?” Tanong ni drusilla habang tinitignan yong mga damit na pang lalaki at babae.

“Pinatahi ko yan gusto ko sila mismo ang unang maka suot ng mga design ko no para saan pa at designer ako” Sagot ni mama sa kanya.

“Ang ganda at ang gwapo siguro ni conwenna at Ulysses kapag isinuot to nako pipicturan ko silang dalawa” Napakasaya niyang sabi.

“Paghahandaan ko ang susunod nilang birthday hindi ako magpapatalo sayo mama” Saad nito bago tumingin kay mama nag kibit balikat lang siya.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now