CHAPTER 13

3K 82 0
                                    

*KYS EUNA's POV*

_________

Mabilis lumipas ang araw wala namang parin ipinag bago samin ni sue aso't pusa pa rin kaming dalawa.

Yong akala ko mag babago yong ugali nya kase nga may nararamdaman nya sya para sakin pero parang lumala pa sya kasi kapag may nakita o kaya nalamang may kumausap saking lalaki galit na galit na hindi na ako pinapansin o diba ang lakas ng gapak maluwang na ata turnelyo niya sa ulo kaya ganun siya.

"Ms kys tumawag sakin si sue hindi mo daw ba siya dadalhan ng lunch nya?" Tanong sakin ni jacob sinimangotan ko lang sya.

Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko tapos gusto niya ako pa maghatid.

"Ihanda mo sasakyan pupunta tayo sa kompanya nya" Pagtataray ko sa kanya ngumuti at napabuga naman ito ng hangin inismiran ko lang sya.

Nag tungo naman ako sa kusina para ipaghanda sya ng pagkain niya kahit na napakasungit niya kanina ihahatidan parin kita ganun ako kabait!.

Nang maihanda kona lumakad na ako palabas ng bahay dala dala ang lunch ni boss mokong.

"Hindi mo parin matiis si sue ms kys" Natatawa na sabi ni jacob sa akin habang nasa byahe kaming dalawa.

"Ayuko naman mamatay sya sa gutom jacob di ata matatangap yon kapag nangyari yon" Sagot ko sa kanya tsaka ako ngumiti ng pilit tumawa naman sya.

"Sabagay ms kys nakakahiya kapag yon ang dahilan ng pagkamatay nya" Pag sasang-ayon nya ako naman ang natawa sa ilang buwan ko dito medyo nakakaclose kona sya kahit minsan seryoso syang bampira.

"Konsensya ko pa yon kapag nagkataon ikaw jacob wala kabang asawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na akong balak mag-asawa ms kys dahil kapag nag asawa ako baka hindi ko na mabantayan si sue" Sagot nya sakin tsaka ngumiti napatango naman ako.

"Pero may natitipuhan kang babae?" Muling tanong ko huminga muna sya ng malalim.

"Meron ms kys kagaya mo sya noon isang tao pero kailangan naming mag hiwalay dahil kailangan nyang maikasal sa lalaking gusto ng parents nya" May lungkot sa boses nyang sagot sakin halatang mahal na mahal nya ang babaeng tinutukoy nya.

"Ilang taon kana ba jacob?" Natawa naman sya napataas naman ako ng kilay.

"179 years old na ako ms kys" Nanlaki naman yong mata ko dahil sa sinabi nya.

"WHAT??!" Gulat na gulat kong sigaw sa kanya walangya ang tanda na pala nya pero bakit parang halos kaseng edad ko lang sya.

"Hindi kame kagaya nyo ms kys dahil bampira kame hindi namin iniisip ang edad ang mahalaga nabubuhay kame hanggat gusto namin" Nakangiti niyang sabi sakin.

Kong 179 years old na sya ilang taon na si mokong? Omo pumatol ako sa matanda grabe kana kys pati lolo na pinapatulan mo.

"Eh si mokong ilang taon na?" Tanong ko natawa na naman sya hmmm.

"132 years old ms kys" Nanlaki ulit yong mata ko dahil sa sinabi nya gosh matanda na nga!.

"Lolo na pala sya pero mas lolo ka jacob" Hindi makapaniwala na sabi ko ibig sabihin pati sila ayame matatanda na rin kong totousin ako pala ang pinaka bata samin.

Nakakalokang mga edad yan hindi ako makagetover gosh may sugar daddy pala ako pero hindi halatang 132 na sya kong titignan kaming dalawa parang ako pa nga ang mas matanda.

"Hihintayin ba kita ms kys?" Tanong sakin ni jacob ng makalabas na ako ng sasakyan.

"Hindi na sasabay nalang ako kay mokong pauwi" Sagot nag bow na sya sakin bago siya bumalik pasakay sa sasakyan lumakad na din ako papasok ng opisina.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now