KABANATA 43

129 7 0
                                    

*THIRD PERSON's POV*

_______

Hindi na tinuloy ni rosemarry ang party para sa anak niya dahil sa galit na nararamdaman niya wala na naman natira dito sa bahay ni sue kundi silang mag ina at mga kasambahay.

"Mamatay na ang babaeng sagabal sa plano natin horace wala ka ng kahati" Nakangiting sabi niya sa kanyang anak.

"Wala man ngayon ang ama amahan mo siguraduhin kung magiging masaya pa rin ang kaarawan mo" Muling sabi niya sabay tawa ng mahina.

Ang alam ni rosemarry ay wala silang lahat sa bahay ang hindi niya alam ay nasa kanya kanyang silid lang dalawang dalaga at si sue ay nanatili lang siya sa silid ng mga kaibigan niya.

Maagang nag padala ng makakain si sue kay jacob para hindi mahalata ni rosemarry.

"Nandon na ang lahat nakahanda na din sila sue" Balita ni jacob sa kanya.

"Ang mag ina ko?" Malamig na tanong ni sue sa kanya.

"Ang kambal nasa isang silid lang kasama si ulrica at zarahi pati narin ang ama ni kys at si fenris ang pinagkakatiwalaan ni kys at siya din ang inutusan ni kys na ilayo ang kambal kung sakaling sumugod sila rosemarry" Seryosong sagot ni jacob sa binata "Si kys ay sasama sa pakikipag laban" Dagdag nitong sabi dahilan para mapatingin si sue sa kanya.

"Bakit hindi ba dapat kasama sya sa kambal?" Tanong ni sue.

"Mas pinili niyang tulungan ang mga kasamahan niya si drusilla ang susunod kay fenris para gabayan ang kambal" Sagot agad ni jacob.

Napa kuyom naman ng palad si sue dahil alam niyang mapanganib kong lalaban pa si kys tiyak siyang ang dalaga ang susugurin nila.

"Puntahan mo sila balitaan mo ako kung ano na ang nangyayari don!" Utos ni sue kay jacob agad naman siyang sumunod tumalon na ito mula sa terrace ng silid kong saan natulog ang binata.

Susunod ako may dapat lang akong tatapusin dito Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa labas.

Nanatili paring nakaupo si rosemarry sa may sala habang nilalaro ang kanyang anak habang si mavi at drusilla naman ay lihim na nakatingin sa sa kanya hinihintay nila ang regalong paparating para kay rosemarry.

Tumayo na si rosemarry akmang lalakad na sana siya paakyat ng hagdan ng may nag doorbell napatingin siya sa pintuan bumalik sya sa sofa para ipaupo doon si horace tsaka siya lumakad palapit sa pintuan para buksan ito dahan dahan namang lumabas ng silid nila si mavi at drusilla nakatingin silang dalawa kay rosemarry na binuksan na ang pintuan napakunot naman siya ng noo ng makitang may box sa haparan ng bahay nila.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil ang alam niya ay regalo yon ni sue binuhat niya ito medyo may kabigatan din ang box.

"Ano kayang laman nito?" Tanong nito habang tinitignan ang box pero hindi niya maiwasan na hindi kabahan.

"Horace mukhang may regalo ang daddy mo oh" Nakangiting sabi ni rosemarry nagkatinginan naman ang dalawang dalaga tinext ni drusilla ang kuya niya na lumabas na ito kaya lumabas na din siya tatlo na silang nakatingin kay rosemarry.

"Buksan na natin" Masayang sabi nito isinantabi niya na ang nararamdaman niyang kaba.

Nakangiti siyang binuksan ang box habang inaalis niya ang nakabalot dito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya na ipinag taka niya.

Naang maalis niya na ang balot ng box ay agad niyang binuksan ang kahon.

Nawala ang ngiti niya sa labi ng makita ang laman ng box napanganga ito habang nakatingin doon kasabay ng mga luhang nag uuhanang lumabas sa kanyang mata.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now