KABANATA 28

3K 86 2
                                    

*KYS EUNA's POV*

____

Dahan dahan kong minulat ang mata ko na pahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit ano bang nangyari?.

"Mabuti at gising ka na maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng aking ama seryoso siyang nakaupo sa may sofa dito sa may silid ko.

"Maayos na papa" Sagot ko sa kanya.

"Nag aalala ako ng sobra sayo dahil halos tatlong araw ka ng tulog" Halata sa kanyang boses ang pag aalala ganun na ba ako katagal na tulog kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.

"Nasabi sakin ni fenris na gusto mong papuntahin ang mga kaibigan mo dito pumayag ako sa susunod na araw uutosan ko si botolf para puntahan ang mga kaibigan mo at sabihin pumunta sila dito" Natuwa naman ako dahil sa narinig hindi ko maiwasang mapangiti agad akong bumaba sa kama ko at niyakap sya pag kalapit ko sa kanya.

"Maraming salamat papa sobrang saya ko" Masaya kong sabi habang naka yakap sa kanya ramdam ko ang pag haplos nya saking likoran.

"May dapat din kayo na malaman sasabihin ko sa inyo kapag nandito na sila wag mo ng masyadong iniisip ang nangyari kay zarahi ayoko ng maulit ito nag aalala ako para sa inyo ng apo ko ako ang bahalang tumuklas kong sino ang pumatay sa kanya" Seryosong sabi nya sakin kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya.

"Pangako hindi na mauulit pa gusto ko sana kapag nalaman mo kung sino ang pumatay sa kanya sabihin nyo sakin" Seryosong pakiusap ko tumango naman siya hinaplos niya ang buhok ko.

"May sasabihin pala ako sayo nag bigay ng sulat ang kanang kamay ni sue gusto nilang makipag sunduan ulit dahil nag uumpisa nanaman ang mga kalaban hindi pa ako sumasagot gusto kong ikaw mismo ang mag desisyon" Nawala ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi sakin ni papa naalala ko nanaman ang ginawa niya sakin.

Tumayo ako sa pag kakaupo tumingin ako sa labas bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot.

"Kung ako ang pag dedesisyonin nyo ayuko hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin kong hindi dahil kay zarahi siguradong patay na ako ngayon wala na kame ng anak ko pero papa pag iisipan ko muna hindi ko iisipin ang sarili ko iniisip ko ang mga kasamahan natin" Seryosong sagot ko sa kanya tumayo siya sa pag kakaupo at lumapit sakin.

"Sige hihintayin ko ang sagot mo puntahan mo lang ako sa silid aklatan ko kung ano ang magiging desisyon mo aalis na ako magpapadala ako ng pagkain mo dito" Sabi nya sakin tsaka nya hinagkan ang noo ko tumango na lamang ako bago siya tuluyang lumabas ng silid ko ang hinaplos nya muna ang buhok ko.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya muli akong napa buntong hininga.

Papayag ba ako sa gusto niya na kasunduan? Pero paano kung malaman niyang buhay ko baka ipapapatay nya ba uli kame ng magiging anak nya?. Sigurado akong pati sila mavi ay mapapahamak dito ayuko ng may madamay pa nang dahil sakin pero paano ang mga kasamahan namin baka maubos kame kung sakaling sugurin kami ng mga kalaban.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito si kiera may dala dalang tray may mga prutas at iba pang pagkain.

"Hi kys buti gising ka na" Nakangiting bati sakin ni tala na kakapasok lang may dala itong ibat- ibang kulay na bulaklak pinalitan nya yong bulaklak na nasa flower base malapit sa kama ko.

"Kumain kana baka nagugutom na ang baby mo" Nakangiting sabi ni kiera pag kalapag nya ng tray sa may lamisa doon sa may terrace.

"Hoy hindi ka talaga nagtatawag!" Sita ni ulva pag kapasok nila ni louve dito sa silid ko hindi ko nalang sila pinansin tinuon ko na lang yung pansin ko sa pagkain.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now