KABANATA 37

2.7K 75 0
                                    

*THIRD PERSON’s POV*

______

Nakatingin silang lahat kay rosemarry habang umiiri ito nasa tabi niya lang ang binata para alalayan siya.

“Samantalang ang totoo niyang anak hindi man lang niya nakita o kaya nahawakan” Sabi ni drusilla siniko naman siya ni mavi.

“Yang boses mo kapag narinig ka talaga ni sue malilintikan ka sa kin” Madiin nyang bulong kay drusilla.

“Wala akong paki kahit marinig niya edi maganda para malaman niya ang totoo!” Mataray niyang sagot.

“Kunti pa iha isang malakas na iri” Utos ng ina ni jacob ng makita niya ang ulo ng bata.

“Aaaahhhhh!” Sigaw ni rosemarry kasabay ng pag labas ng bata maya maya pa ay umiyak na ito.

“Lalaki ang anak niyo” Masayang sabi ng ginang pero agad din nawala ang ngiti nito napalitan ng takot nagtaka naman sila jean.

“Bakit?” Tanong ni jean sa kanya tumingin ang ginang sa kanya umiling iling ito tumaas ang isang kilay ni jean alam niya na.

“Ito na ang anak mo aalis na ako” Paalam ng ginang maski si sue ay nag tataka na din dahil sa kinikilos ng ginang.

“May problema ba rosita?” Tanong ni sue hindi sumagot ang ginang tinignan niya lang ang binata gusto niyang sabihin na dapat patayin ang bata dahil siya ang papatay sa kanya.

“Mag ingat ka sue” Nag aalala na sabi nito bago lumabas ng silid nila nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin sa pintuan ng silid niya sumunod naman si jean na lumabas.

Habang si rosemarry naman ay masayang masaya dahil ipinanganak niyang ligtas ang kanyang anak.

“Anak mo ba talaga yan bakit hindi mo kamukha sueng?” Mataray na tanong ni drusilla.

“Kaya nga parang may kamukha yang bata na yan” Sabi naman ni mavi habang nakatingin sa bata.

“Pwede ko bang hawakan?” Tanong ni drusilla habang nakangisi inilayo naman agad ni rosemarry baka malaman ng dalaga na hindi anak ng kapatid niya ang bata.

“Wa niyong hahawakan ang anak ko wala akong tiwala sainyo” Madiin na sabi ni rosemarry tumawa naman ang dalawa.

“Wow hah ikaw nga ang dapat hindi pagkatiwalaan aminin mo hindi yan anak ni sue hindi ba?” Tanong ni mavi “Nakita kita noong gabing sinabi mo yon sa kanya” Dagdag nito bigla naman nakaramdam ng kaba si rosemarry.

“Wala akong alam sa sinasabi mo gumagawa ka nanaman ba ng pag aawayan naming dalawa?” Tanong nito sa dalaga.

“Maang maangan lang?Okay soon lalabas din ang baho mo” Mataray nitong sabi.

“Mavi lumabas na nga kayong dalawa!” Sita sa kanila ni sue ngumisi lang silang dalawa.

“Oh nakalimutan ko kailangan ko palang bumili ng regalo para sa babies ko next month na ang birthday ng dalawa” Sabi ni drusilla tsaka dali daling lumabas sumunod naman si mavi lalo naman nag taka si sue.

“Mahal ayoko sanang hinahawakan nila ang anak natin natatakot akong baka saktan nila ang bata” Pakiusap ni rosemarry sa kanya.

“Hindi ko pwedeng ipag damot ang anak ko sakanila dahil karapatan din nilang hawakan ito pwera nalang kong may tinatago ka talaga sakin” Seryosong sagot ng binata sa kanya.

“Wala akong itinatago sayo sue sinisiraan lang ako ng mavi na yan alam mo namang una palang ayaw nya na sakin hindi ba?” Naiiyak na sabi niya sa binata hindi sumagot  si sue hinawakan ni rosemarry ang kamay niya pero binawi din agad ni sue.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now