Chapter 30

14 3 0
                                    

Chapter 30
LAUREN'S POV

Bigla na lang pinutol ni kuya ang katahimikan.

“Ang masasabi ko lang sayo Calix wag na wag mo sasaktan itong kapatid ko maliwanag?"

“Opo"

“Sige maiwan na muna namin kayo,pupunta kami ng hospital kailangan namin ipa check up si Papa"

Matapos umalis nila kuya naiwan na lang kaming dalawa dito ni Calix.Nakahinga ako ng maluwag pero ng tumingin ako kay Calix ay para siyang kinakabahan?.

Tumayo na ako sa upuan naming dalawa bago lumingon sakanya.

“Baby tara ipapakita ko sayo yung kwarto ko"

Sabi ko sabay hawak sa kamay niya gosh bakit parang ang init ng kamay niya? lumapit ako sa kanya at inilagay ko ang palad ko sa noo nya.

Wala naman siyang sakit.

“Baby,okay ka lang?"

“Ah baby pwedeng humingi ng tubig?nauuhaw ako"

“Sige tara sa kusina"

Pumunta kami sa kusina pinaupo ko siya sa upuan at dumeretso naman ako sa fridge.Kumuha ako ng pitsel at kumuha rin ako ng baso sa palagyanan.

Lumapit ako sakanya at sinalinan yung baso nya ng tubig.

“Baby oh inom kana"

Inabot nya yung tubig na ibinigay ko.Pinapanood ko siya habang umiinom.

Bakit parang ang gwapo nya sa adams apple nya?

Bakit parang pakiramdam ko nagiinit yung paligid ko?

Shucks erase erase ano na naman ba tong iniisip ko?

Matapos niyang uminom nilagay ko sa lababo yung pinagbasuhan nya at binalik ko naman sa fridge yung pitsel.

“Tara na baby papakita ko sayo yung kwarto ko"Yaya ko ulit sa kanya at nag simula ng maglakad.Sumunod naman siya sa akin.

Pinihit ko ang door knob ng pinto ko at pumasok sa loob humarap ako sakanya.

“Pasok kana baby"

“Ahh..ehh..baby-"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at hinila ko na sya.Sinara ko yung pinto at dumeretso ako sa kama pasalampak akong humiga.

“Baby maupo kana dyan or kung gusto mo mahiga ka na rin.Inaantok na ako eh pwede bang matulog na muna ako?gusto mo na ba umuwi?"

“Mamaya pa ako uuwi maaga pa naman eh tutal na puyat ka kahapon kakausap natin matulog ka lang"

Oo nga maaga pa naman talaga 10:15 pa lang ng umaga.Hindi ko na namalayan nakatulog na ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Where stories live. Discover now