Chapter 45

13 4 0
                                    

Chapter 45
ROXIE'S POV

Ganundin sila Denise,Calix at Meshie,nagtataka sa kung sino ang tinititigan ni lauren. Matapos ang ilang minuto na pagtititigan lumapit sila kay lauren at niyakap ito.

Tumingin na lang ako sa kanila Meshie dahil hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Basta andito lang ako para kay lauren.

***

Mag iisang linggo na simula't malaman namin na namatay ang Papa ni lauren. At mag iisang linggo na rin na hindi sya lumalabas ng kwarto niya kahit kumain man lang hindi niya gustong gawin. Bumisita na rin yung ate at kuya niya para sa burol ng Papa niya pero hindi na siya sumama.

Ilang araw na rin siyang binibisita ni Calix pero isinasawalang bahala niya ito. Kahit kami hindi siya nakikinig. Parang wala na siyang pakialam sa mundo o sa kahit sinuman sa amin.

Ganon siguro talaga pag nawala ang isa sa mga taong minamahal mo parang wala ng halaga pa yung buhay mo. Ganon siguro yung nararamdaman niya.

***

LAUREN'S POV

Pain.

That's what I'm feeling right now,not just today but also tomorrow,weeks, months or a year. I don't care!

Why?

Why did you leave me?

Papa why?!!

I thought gagaling kana pero bakit! Bakit papa?!

Hindi mo pa naman nakikita si Mama. Hindi mo pa ako nakikita umakyat sa stage para sa graduation ko. Hindi mo pa ako nakikita dumating sa legal age ko. Hin- hindi mo na ako makakasama. Hindi na kita makikita pa. Hindi na kita mayayakap.

Bakit papa? Iniwan mo agad kami? Bakit ngayon pa? Yung hindi pa ako handa.

Sana hindi na lang.

Sana hindi na lang ito nangyari.

Mahal na mahal kita papa hindi lang ako paano sila ate at kuya?

Umiyak lang ako ng umiyak sa higaan ko. Ganito na lang lagi ang ginagawa. Hindi na napapagod yung mata ko kakaluha. Ewan ko ba sa mga ito. Kasi ako? Pagod na ako. Parang gusto ko na lang mawala na tong sakit na nararamdaman ko? Yung pipikit ka tapos pag bukas ng mga mata mo panaginip lang ito.

***

Nakatulog ako ng hindi ko namalayan nagising na lang ako ng marinig ko nag ri-ring yung phone ko.

𝐶𝑎𝑙𝑖𝑥 𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔.....

“Hello baby"bungad ni Calix sa malamyos na boses.

“Hmmm?"

“What are you doing?"he asked.

“Sleeping why?"

“You know that I love you right?" He said

“Hmmm yeah why?"

“Nothin' Bye baby " Calix said before I ended the call.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Where stories live. Discover now