Chapter 44

19 2 0
                                    

Chapter 44
ROXIE'S POV

Matapos niya itong kausapin dali dali siyang lumabas sa pintuan at tumakbo hindi manlang niya kami kinausap o tiningnan.

Itinigil ko ang pagkain ko at tumingin kanila Calix, Meshie at Denise. Na gets naman nila yung ipinapahiwatig ko. Pumunta si Calix kay ma'am at kinausap nya ito. Si Meshie naman ay inaayos ang mga gamit niya at ni Calix. Ako naman ay ibinalot ko ang kinakain ko at kumuha pa ako ng tatlong pirasong chicken,sampung Shanghai at limang baso na buko salad.

Ibinalot ko lahat iyon at nilagay sa plastic. Matapos namin gawin ang dapat umalis na kami sa room. Nagmamadali kaming naglakad pero hindi namin alam kung saan pumunta si lauren. Nasa gate na kami at katabi ko si Meshie kausap ang Guard.

“Kuya,nakita niyu po bang may babae na lumabas dito? Kaibigan po namin siya. Katamtaman lang po ang tangkad,maganda po at straight ang buhok? Nagmamadali po siya,Nakita nyu po?"

“Oo neng, Nagpaalam siya sa akin at lumabas na siya at nakita ko pa siyang nag abang ng pedicab ng may makita pinara niya ito at sumakay na"

“Alam niyu po ba kung saan siya pupunta?"

“Oo neng nasabi niya sa akin na pupunta siya sa CDs hospital"

“Sige kuya,thank you po"

Umalis na kami at lumabas ng gate dumeretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse ni Calix. Habang nasa byahe kami papunta sa Cds hospital ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Para akong kinakabahan na ewan. Hindi ko talaga maintindihan. Tagak-tak pa ang pawis ko sa noo. Tumingin ako sa paligid ko at mukhang hindi lang ako ngayon ang nakakaramdam ng iba.

Makarating kami sa Hospital at pumunta kami sa front desk. Hindi pa lang kami nakikipag usap sa nurse ng namataan namin si lauren. Nakaupo sa bakanteng upuan,tulala sa kawalan at humahagol gol ng iyak.

Lumapit kami sa kanya at parang hindi niya kami naramdaman.

“Lauren"

Calix called her but she didn't move even a single bit. So i just sit in the chair next to her  and hold her hands. I think she felts my hands on her hand because slowly her eyes looked at us.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at ibinaon ang ulo sa balikat ko. Nararamdaman ko ang mga luha niya na sobrang dami. I guess basa na ngayon yung damit ko pero di bale na.

Hinagod ko ang likuran niya hanggang sa tumahan na siya. Nanonood lang sa akin sila Denise, Meshie at calix. Naramdaman ko na bumukas ang katabing pinto ng upuan at may lumabas na tao.

Iniangat ni lauren ang ulo niya at tumingin sa mga ito . Mas lalong tumulo ang mga luha niya kaya humarap na ako sa tinitingnan niya. Hindi ko kilala ang lumabas ng pinto. Nakakapagtaka dahil parang nag uusap ang mga mata nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Where stories live. Discover now