Chapter 34

12 3 0
                                    

Chapter 34
Hala galit nga siya ang lamig ng pagkasabi niya sakin.

Umalis na siya kaya umupo na ako baka mas lalo siyang magalit.Dumating na rin siya at nakita kong may dala siyang cotton,band aid at alcohol.

Lumapit siya sakin at sinimulan ng gamutin yung sugat ko.

“Aray"

Medyo na diinan nya yung paghawak sa daliri ko kaya ako nasaktan.Matapos niyang gamutin ibinalik na niya ulit yung gamit sa pinagkuhanan niya.

Dumating na siya at ipinagpatuloy iyung niluluto niya.Hindi na ako tumulong pa ulit at baka mas magalit siya sa akin.

Matapos niyang magluto kumain na kami.Hmmm ang sarap ng luto niya.Ilang beses ko siyang pinuri sa niluto niya pero tanging tango lang ang sagot niya.

Nawalan ako ng gana kaya itinigil ko na yung pagkain ko.hinintay ko na lang siya matapos.Matapos siya nag volunteer ulit ako na ako na ang maghugas ng pinagkainan namin.

Pero hindi niya ako pinansin siya na rin ang naghugas ng pinggan.Tumaas na kami sa kwarto niya at pumasok.

Tumayo siya sa tapat ng bintana.Lumapit ako sakanya at niyakap siya sa likod.

“Baby galit ka? sorry na po"

Sabi ko sa kanya at ipinatong ang ulo sa likod niya.Hindi niya pa rin ako pinansin at sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ko sa pagyakap niya.

Mas hinigpitan ko pero yung yakap ko sakanya.Ang lakas pa rin ng ulan naririnig ko.Hindi ko na namalayan na kanina pa pala tumutulo yung luha ko naramdaman ko na lang na basa na ang likod ng damit niya.Nilayo ko ang ulo ko at baka mas mabasa ko pa.

“Ahh S-sorry nabasa ko yung damit mo hahaha ang babaw kasi ng luha ko" Garalgal kong sabi sakanya at tumawa ng peke,pilit ko rin na pinupunasan yung tumutulo kong luha pero mas lalo lang tumutulo.

Hindi na ako nakayakap sa kanya at pupunta na sana sa higaan pero hinila niya ako at niyakap napunta tuloy yung ulo ko sa dibdib niya.

“I'm sorry baby it's just that sinabi ko na sayo na wag kana tumulong"

Sabi niya sakin habang nakayakap pa rin siya at nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.Niyakap ko rin siya pabalik.

Ng maramdaman niya na tumutulo pa rin yung luha ko.Binitawan nya ang bewang ko at hinawakan ang ulo ko at iniangat.Pinunasan niya ang luha ko sa mata at pisngi.

“I'm sorry baby wag kana umiyak"

Tumango ako sakanya at unti unti na niyang inilapit yung mukha niya sakin at naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.Bumitaw na kami sa isa't isa ng maubusan na kaming dalawa ng hininga.

Niyakap nya ulit ako bago ako binatawan.

“Baby dyan kana matulog doon na lang ako sa guest room sa tapat ng kwarto matutulog malakas pa kasi ang ulan"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Where stories live. Discover now