Chapter 43

17 2 0
                                    

Chapter 43
LAUREN'S POV

Bumaba na kami at pumunta na sa classroom.Nakagilid ang mga upuan namin at ang mga pagkain ay nasa gitna sa gilid naman ay ang mga regalo.Syempre puno rin ang classroom namin ng mga Decoration lalo na ang crepe paper.

Yung blackboard naman namin puno ng sulat at kung ano ano rin design like Christmas tree.

Umupo lang kaming apat sa bakante na upuan hinihintay na ang iba pa namin na kaklase.Actually hinihintay ko rin si Calix wala pa kasi siya.

***

ROXIE'S POV

Kanina pa nagsimula ang Christmas party namin sa room. And dini- distribute na ang mga gifts naming lahat. Hinihintay ko lang matawag ang name ko. I wonder kung sino ang nakabunot sa akin.

”Roxie Vivian Smith your gift,from harold jay Araza"

Nang marinig ko ang name ko lumapit na ako sa adviser namin at kinuha ang regalo. Sakto lang ang laki at nakabalot sa maayos na paraan medyo mabigat rin.

Bumalik na ako sa kina uupuan ko at lumapit kanila Lauren actually kanina pa nila hawak yung mga gifts nila. Hinihintay na lang makuha ng lahat yung sa kanila.

“Maggie Dela Cruz your gift, from Lauren Mariss Santiago"

Hindi ko na pinansin yung iba pang pag didistribute ng mga gifts at tumayo ako sa upuan at dumeretso sa pagkain dahil nagugutom ulit ako.

By the way kanina pa kami kumain lahat sadyang gusto ko pa. Sulitin dapat natin syempre may bayad ang mga parents natin dyan sa mga handa at iba pa.

Abala ako sa paglalagay ng chicken, spaghetti,at shanghai sa plato pati narin sa paglagay sa cup ng buko salad at pabalik na ako sa aking kinauupuan ng mapansin ko na may kausap sa phone si lauren umalis siya sa kanyang kina uupuan at dumeretso sa labas.

Umupo ako sa upuan ko at nilapag ang pagkain na kinuha ko.

“Meshie paki bantay saglit"bilin ko kay Meshie.

Umalis ako at lumapit sa kung na saan si lauren pero napahinto ako hindi kalayuan sa kanya. Pansin kong may kung anong nangyayari sa kanya. Para siyang balisa at naiiyak na.

“No! Hindi pwede ate! Hindi totoo yan"Rinig kung sigaw ni Lauren sa kausap niya sa phone.

Bumalik na ulit ako sa kinauupuan ko at hinayaan na lang siya doon masamang mag eavesdrop sa usapan nila ng kung sino.

Nakaka apat pa lang akong Shanghai, dalawang chicken at ubos ko na ang spaghetti ko ng nakita ko si lauren na papalapit sa amin.

Tulala siya kung maglakad at mabilis kung kumilos. Ng makalapit siya sa amin mabilis niyang ikinuha ang mga gamit niya at lumapit sa guro namin at kinausap niya ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Where stories live. Discover now