Chapter 38

13 2 0
                                    

Chapter 38
LAUREN'S POV

Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog kagabi basta ang alam ko lang ay nagising ako ngayong umaga dahil sa taas ng lagnat.

Magisa lang ako ngayun sa dorm at nasa kwarto ako ngayon.Gusto sana ako samahan nila Denise pero pinilit ko silang tatlo na pumasok.

Ngayon andito lang ako at nakahiga sa kama.Yung gamot ko at inumin ko ay nasa lamesa pati na rin yung pagkain ko.

Mag tatanghali na ngayon kaya kinain ko na yung hinanda ni meshie na pagkain at ininom ko naman yung gamot at isang basong tubig na hinanda ni Roxie at Denise.

Dahil wala akong magawa at nanghihina ako ay natulog na lang ulit ako.

***

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses nila Denise, Roxie at Meshie.

“Ang taas pa rin ng lagnat niya"

“Wala pa rin ba si Calix?"

“Oo,pati sila Zaren"

“Nakakainis na yang si Calix ahh,mas gusto niya pang samahan si Misty kaysa kay lauren"

“Humanda sa akin si Calix pag nakita ko"

Rinig ko pang sabi ni denise bago ko binuksan ang mga mata ko.

“Sa wakas Lauren gising kana"

Tumingin lang ako kay Denise ng sabihin niya iyon.Hindi ako makapag salita sobrang sakit ng lalamunan ko.

“Ipinaghanda kita ng mainit na sabaw,higopin mo muna para naman mainitan yang tyan mo"

Tumango ako kay Meshie at inalalayan naman akong umupo nila Denise at Roxie.

Nang maubos ko na ang sabaw ay pinainom lang ulit nila ako ng gamot at pinalitan ng damit.Pinahiga na nila ako sa kama at kinumotan.

Umalis na sila kaya naiwan na naman ako sa kwarto siguro kakain na rin sila.

Natulog na lang ulit ako para naman makapag pahinga ako.

***

Pang lima na araw ko na itong may sakit pero bumaba naman na kaya lang ayaw akong papasukin ni Denise at Roxie lalo na si Meshie sa klase dahil baka mabinat lang daw ako.

Nami-miss ko na si Calix dahil hindi manlang siya dumalaw sa akin nung isang araw ko pa siya hinihintay.

Kakatapos ko lang maligo at 3:45 na malapit na mag alas kwatro,uwian nila Denise at Calix.

Nagsusuklay na lang ako ng buhok ko dahil balak ko pumunta sa kanila Denise pati na rin kay Calix.

Papaalis na ako mg dorm at nilocked ko na ang pinto.Naglalakad na ako ngayun sa hallway ng may makita akong puti na may ash gray na pusa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-jam

I'm tired loving you (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu