Chapter 7

544 26 0
                                    

Parking lot.

"Kakausapin ko sila." Mahinahong sambit ni Yosef.

Umiling ako saka pinigilan ang braso niya.

"Wag na, hayaan mo nalang sila." Pigil ko.

Nandito kami sa cafeteria ngayon, kumakain.

Lahat ng sentro ng tingin nang ibang mga taong nandito ay nasaamin, pati na ang grupo ni Maris na nasa gilid namin.

Nagpaparinig ang mga ito kaya pati ang iba ay nakikisali na rin.

Kung papatulan pa sila mas lalo lang nilang papalalain, gaya nung naging bangayan namin ni Maris nung nakaraang araw na umabot pa kami hanggang sa guidance.

"Wala silang karapatang pagsabihan ka ng kung ano-ano." Mariing usal niya.

Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya ng dalawa kong kamay.

"O-okay lang, wag mo lang silang pansinin. Sila rin ang mapapagod sa huli." Pagpapakalma ko dahil kanina pa siya naaalibadbaran.

Ilang beses siyang bumuntong hininga, saka siya bumaling saakin.

Lumamlam ang expresyon nito at hinawakan ang kamay kong nasa braso niya.

"Kaya ikaw ang pinili ko, dahil napakabuti ng puso mo, Delaney." Malambing niyang sambit.

Namula ako at napangiti.

"Ikaw ha." Naasiwa kong ani ko, saka ibinaling ulit sa kinakain ang atensiyon.

"Bihira nalang ang gaya mo, kaya hindi ko na pinalampas pa." Patuloy niya.

Napatikhim ako.

"Maganda na, mabait pa." Dagdag nito.

Biglang nanlabo ang pandinig ko sa paligid at tanging boses lang nito ang naririnig ko.

"Hey, looked at me..." Aniya.

Napalunok ako at unti-unting tumingin sakanya.

"Are you blushing?" Pang-uuyam niyang tanong.

Kumurap-kurap ako at mahinang tumikhim.

"Hin-di ah." Angil ko.

Tumingin ako sa pinggan niya.

"Kumain kana." Pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti ito at umiling-iling.

"Yes, boss." Aniya.

Napakagat labi akong sinusulyapan siyang kumakain.

Sumapit ang hapon ng matapos ang last na subject namin.

Sinabi ko rin kay Yosef kanina na wag na niya akong ihatid dahil hanggang 5 p.m pa matatapos ang klase niya.

Uuwi na kasi ako para makatulong pa kay mama.

Dumaan ako rito sa parking lot sa may ibaba ng Engineering Dept, madadalian kaasi akong makakarating ng gate kung dito ako dumaan.

Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong kumalabog sa gilid.

Hindi ko alam kung bakit inabala ko pang icheck kung ano iyon.

Humakbang ako papalapit kung saan nanggagaling ang ingay.

Sumilip ako sa may gilid.

Napaiktad ako ng bumungad sa mga mata ko ang...

Ang pagdapo ng kamao nang matandang lalaking naka business suit sa mukha ng isang studyante, napatabingi ang mukha niya dahil sa lakas non.

Si Yosef?

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon