Chapter 24

507 26 0
                                    

Confession.

8:34 p.m.

Nandito ako sa park, malapit sa campus.

Gabi na pero okay lang, maliwanag naman rito at may mga tao rin na nasa paligid.

Tinext ko si Yosef kanina na dito ko naisipang magkita kami.

Hindi pa siya ngarereply hanggang ngayon, baka nasa biyahe lang.

Bumuntong hininga ako.

Kahit kinakabahan ay sasabihin ko sakanya ang nangyari, alam kong hindi ito magiging madali pero karapatan niyang malaman.

Luminga-linga ako...

Maya-maya pa ay may lalaking paparito sa gawi ko.

Naka hoodie siya ng itim...

Napatayo ako ng maaninag ang tindig niya kasabay ng pagdiretso ng mukha niyang naka suot ng salamin.

Lumunok ako ng ilang beses.

Hindi pa siya nakakarating dito sa gawi ko pero parang maiiyak na ako ng tuluyan.

Nang ilang metro nalang ang layo namin ay agad kong iginalaw ang mga paa ko at sinalubong siya.

Ngumiti ito at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

Sobrang higpit non...

Napapikit akong ikinukong ang mukha sa dibdib niya.

Humalik-halik pa siya sa ibabaw ng buhok ko.

"I miss you..." Malamyos niyang bulong.

Humiwalay ako sa yakap at pinakatitigan siya.

Maaliwalas ang mukha nito.

"I miss you too, wag ka na ulit umalis. Ha?" Kagat labi kong sambit.

Tumango naman siya at hinaplos ang gilid ng ulo ko.

Pagkatapos naming magyakapan ulit ay inaya niya ako para umupo.

Hinubad niya ang hoodie niya at pinagsuot sa'kin dahil lumalamig na rin dito sa labas.

"Bakit hindi ka nagrereply kanina, mahal?" Malambing kong tanong.

Pinaglalaruan nito ang daliri ko at paminsan-minsan pa'y hinahalikan niya ito.

"I was just exited mahal, kaya hindi na ako nakapag reply. Kanina ka pa ba rito? Oh, I'm sorry baby." Malambing niyang usal.

Umiling naman ako.

"Hindi naman, nag-alala lang ako." Sagot ko.

Tumitig siya sa mga mata ko.

Pumangalumbaba ako ng kailangan ko ng sabihin kung anong nangyari sa'kin habang wala siya.

"What's wrong? Huh?" Nag-aalala nitong tanong at inihawak nito ang kamay sa chin ko para iangat.

Nagsisimula ng uminit ang gilid ng mga mata ko, at
Manginig ang labi.

Tumingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko.

Inabot ko ito at mahigpit na hinawakan.

"Naalala mo yung sinabi ko na may sasabihin ako pagka-uwi mo?" Pigil utal kong tanong.

Itinaas kong muli ang paningin.

Naghihintay ito ng sasabihin ko.

"Yosef, sana... Kahit anong marinig mo ngayon, sana hindi magbago ang pagtingin mo sakin-" Hindi ko naituloy.

"What is it?" Kunot noo niyang tanong.

Napakagat labi ako ng hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Ramdam ko ang pag-alarma niya at mabilis na hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon