Chapter 13

499 18 0
                                    

Stares.

Humupa na ang sayawan, at lumamyos na rin ang music dito sa loob.

Tumba na iyong iba dahil sa kalasingan.

Pansin ko ring natamaan na ng alak si Yosef.

"Yosef, tama na yan..." Bulong ko sakanya.

Bumaling siya sa'kin ng naka ngiti.

Namumungay na ang mga mata niya.

"Kaya ko pa... Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong safe kang makakauwi, okay?" Paos niyang sambit.

Napakagat labi akong tumango.

Napaiktad pa ako ng hwakan niya ang upuan ko para mas lalong mailapit sa kanya, napahawak ako sa braso nito at baka magkamali siya sa paghila.

Itataas ko na sana ang tingin ko sakanya ng sumalubong ang ilong niya sa may tapat ng labi ko.

Napalunok naman akong umabante paatras ang ulo ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.

Pinakatitigan niya ako sa mata, nangungusap ang mga itong may gustong ipahiwatig.

Napatigil ako sa maamong mukha niya, namumula na rin tainga niya dahil sa ininom na alak.

Kumibot ang magandang labi nito tsaka ibinaba ang tingin sa labi ko.

Napalunok ako ng unti-unti itong lumalapit.

Inihawak na rin nito ang palad sa likod ko.

Napahawak ako sa dibdib niya.

"Can I kiss you?" Namamaos niyang tanong.

Tumatama na rin ang mainit niyang hininga sa may bandang ilong ko.

Napalunok ako ng ilang beses saka unti-unting tumango.

Kumurba ang ngiti nito sa labi at sa mga mata niya.

Inihaplos pa nito ang libreng palad sa pisngi ko at tuluyang dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.

Napapikit ako ng gumalaw ang labi niya.

Maya-maya pa ay tumugon ako sa ibinibigay nitong malamyos na halik.

Napakasarap sa pakiramdam na maramdaman ang labi niya...

Para akong hinihele sa ere sa klase ng paggalaw nito.

Nalasahan ko rin ang pait ng alak sakanya pero hindi ko alintana iyon.

Ilang segundo pa niyang inangkin ang labi ko bago niya bitawan.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa saka ako nito hinalikan sa noo.

"I love you..." Bulong nito.

Umukit ang ngiti sa labi ko.

Yumakap ako sakanya habang nakapikit, gumanti rin ito ng yakap at hinalik-halikan ang ibabaw ng buhok ko.

Iminulat ko ang mga mata ko ng mapawi ang ngiti ko ng magtama ang mga mata namin ni Yaser na nasa isang table.

Patuloy ito sa pag-inom habang malamig na naka-usli ang mga mata sa'min, kitang-kita ko rin ang pag-uugat ng palad niyang nakahawak sa bote ng alak.

Napalunok akong bumitaw sa yakap namin ni Yosef.

Pinilit kong ngumiti.

"Let's go?" Tanong niya sa'kin.

Tumango-tango naman ako.

Tatayo na sana siya ng biglang tumunog ang phone nitong nasa bulsa niya.

Dinukot niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag, saka muling tumingin sa'kin.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon