Chapter 52

522 23 0
                                    

News.

"Kain na..." Nakangiting pag-aaya ni Yaser habang naglalagay ng mangkok sa hapag.

Naglakad ako sa gawi ng mesa at umupo.

Bumaling siya sa gilid ko at pinagsandok ako ng kanin.

"Anong gusto mo?" Malambing niyang tanong.

Hindi ako sumagot, kaya nilagyan nalang niya ng bakon, itlog at hotdog ang pinggan ko.

"Gusto mo ba ng milk, mahal? Teka lang igagawa-" Hindi ko siya pinatapos.

"Wag na, kumain ka nalang." Malamlam kong saad.

Naupo siya paharap sa'kin.

Ramdam ko ang pagtitig niya kaya ibinaba ko nalang ang paningin sa pinggan ko.

Rinig ko ang paghinga nito ng malalim saka naglagay na ng kanin at ulam sa plato niya.

Walang umimik habang kumakain kami.

Pagkatapos naming makapag handa, pumanhik na kami para pumasok ngayong araw.

Hinatid parin niya ako rito sa tapat ng classroom namin.

"Dito na ako." Mahinang paalam ko.

Tumango naman siya.

"I love you." Pahabol niya ng makatalikod ako.

Napalunok ako't napatigil sa paghakbang.

Huminga ako ng malalim at muling naglakad papasok ng room, pagka-upo ay sumulyap muna ako sa labas kung naroon pa ito.

Inyos nito ang buhok saka naglakad paalis.

"Alam niyo na ba yung balita? Kaloka." Rinig kong usap-usapan nila sa likuran.

"Hmmn, napabalita kagabi. Grabe nung naiahon na sa tubig yung sasakyan ni Mayor." Saad ng mga ito.

Napakunot ang noo ko...

Mayor?

"Patuloy parin sila sa pag-iimbistiga. Akalain niyo yun, binaril sa ulo tapos pasadyang inihulog sa bangin ang sasakyan. Pero hanggang ngayon hindi parin matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Mayor." Dagdag nila.

"Ganyang talaga sa pulitika, siguro dahil na rin sa inggit o ano man." Bulung-bulunga ng mga ito.

Sa dami ko ng iniisip, hindi ko na namamalayan kung ano nang nangyayari sa paligid ko.

Grabe na ang panahon ngayon, Dumarami na rin ang krimen sa iba't ibang parte ng mundo.

Iyong ibang gumagawa ng mga ganoong bagay dahil may kanya-kanyang rason kung bakit nila nagawa iyon sa kapwa nila, iyong iba naman, nakakagawa sila ng masamang bagay ng dahil lang sa inggit at pagkasakim.

Sumapit ang pananghalian ay hindi ko nakitang naghintay si Yaser sa labas ng room kaya nauna na akong pumunta ng cafeteria at kumain.

Pagsapit ng uwian, nang madatnan ko si Yaser dito sa parking lot na nakaipit sa daliri ang isang piraso ng sigarilyo.

Nakasandal ito sa side ng kotse niya at nakapamulsa ang isang kamay.

Humithit pa ito at bumuga paitaas ang usok.

Napabuntong hininga ako.

Napabaling siya sa gawi kong naglalakad papalapit ng itapon niya ang sigarilyo sa tapat ng paanan niya at inapakan iyon.

Pagkarating ko ay siya namang pagbukas niya ng pintuan ng sasakyan kaya diretso akong pumasok at inilagay sa likuran ang bag ko saka ikinabit ang seatbelt.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon