Chapter 53

513 23 1
                                    

Reasons.

"What brings you here? Akala ko ba nagpakalayo-layo kana?" Malamig na pakikitungo ni Sir Benjamin kay Yaser.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, sinama niya ako kahit sinabi kong siya nalang ang pumunta.

Nasa hapag kami ngayon, pero ni isa sa'min ay wala pang gumalaw ng pagkain.

"Hindi ako nagpaalam sayo dad, kaya nandito pa ako." Sagot ni Yaser.

Wala akong imik, nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

Bumaling sa'kin ang dad niya.

"At ikaw? Diba ikaw ang ipinakilala ni Yosef nung birthday ni Samuel? Anong ginagawa mo ngayon rito at kasama itong si Yaser?" Seryosong pagtatanong niya.

Napalunok ako, hindi ko alam kung saan huhugot ng isasagot o kung ano bang dapat isagot sa tanong niya.

"Kaya nga dad, pinakilala ko siya sayo nung birthday ni tito. Ngayon naman, ipakilala ko siya ulit bilang ako si Yaser." Si Yaser ang sumagot.

Napakunot ang kilay ng ama niya at mabilis na tinapunan ng tingin si Yaser.

Hindi nito maipinta ang mukha dahil sa narinig.

"What are you saying?" Malalim na tanong niya.

Umayos ng upo si Yaser.

"Hindi si Yosef ang nagpakilala sakanya sainyo, kundi ako." Pagsagot niya.

"Ako rin ang pinakitunguhan niyo ng maayos sa humigit dalawang buwan, at hindi ang mahal ninyong anak." Mapait na dagdag niya.

Ilang beses na akong napubuntong hininga dahil hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

Tumawa ng mapakla si Sir Benjamin.

"Ohh, really? Ang galing mo rin. Akalain mo yun, kuhang kuha mo ang lahat ng galaw ng kapatid mo. Pero hindi na ako magtataka..." Umiling-iling ito habang mahinang tumatawa.

Tumawa rin si Yaser, na ikinatigil ng dad niya.

"Ang sarap mo palang magpakaama dad, grabe." Malokong tono nito.

"Nasisiraan ka parin ng bait hanggang ngayon, at talagang sinubukan mong manipulahin lahat ng nasa paligid mo gamit ang pangalan at katauhan ni Yosef. Wala akong pinalaking gaya mo, nakakahiya ka sa pamilya." Seryosong saad ni Sir Benjamin.

Tumagos iyon sa'kin kahit hindi ako ang sinabihan niya ng salitang iyon.

"Nakalimutan mo na ba dad, Ikaw ang may gawa sakin nito." Malamig na boses ni Yaser.

"Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo." Matigas na saad ng dad niya.

Napakapit ako sa suot kong bestida.

Umiinit na ang usapan...

Gusto ko nalang kunin ang atensiyon ni Yaser at ayain ng umuwi.

"Bakit hindi mo aminin? Simula nung namatay si mom, ako ang sinisi mo." Malalim at seryosong boses ni Yaser.

Naalarma ako ng tumayo bigla ang dad niya.

Galit itong nakatingin kay Yaser.

"Ya-ser..." Mahinang pagtawag ko sa kanya.

Agaran itong lumapit kay Yaser at kinwelyuhan patayo.

Kaya napatayo akong labis ang kabang nararamdaman.

"Wag mong idadamay sa usapan ang mom mo!" Dumagundong ang boses nito sa buong bahay.

"Araw-araw mo akong sinisisi sa pagkawala niya, anong naging kasalanan ko? Bakit sa'kin mo ibinubuntong ang lahat? Dad." Mariin ang pagkakasabi nito.

"Because it's all your fault! Kung hindi ka nagmatigas na umuwi na nang gabing iyon, hindi mamamatay ang mom mo! Because of your stubbornness. I lost my wife! Sana ikaw nalang ang nawala!" Nag-uugat ang sintido nito dahil sa galit.

Hindi ko alam ang gagawin, nanatili akong naestatwa sa kinatatayuan.

Hinawakan ng mahigpit ni Yaser ang palapulsuhan ng ama at pabalang na inialis iyon sa kwelyohan niya.

"Wala kang alam. Ang galing mong magalit at mangsisi, pero hindi mo alam kung anong totoong nanyari! Akala mo kung sino kang magaling na asawa at ama, bakit hindi mo sisihin ang sarili mo!?" Bumugso ang tinitimping galit sa boses ni Yaser.

"Ahh!" Napakihaw ako ng malakas na suntok ang natanggap ni Yaser sa ama dahilan ng pag-atras nito.

Nanlalamig na ang buong katawan ko.

"Anong karapatan mong sabihin sakin iyan!?" Malakas na boses ng dad niya at duro si Yaser.

Pinunasan ni Yaser ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Hindi totoong nagmatigas akong hindi umuwi, kundi kundi nadukot ako nung gabing yun. Tinawagan nila ang numero ni mom! Pinakausap nila ako sakanya at sabihing kailangan ko ng tulong, but I told her not to look for me because I didn't want to go home! But she knew I was in danger. I said I was okay so she wouldn't get hurt! I begged for her not to go! Dad! Pero nagpunta parin siya!!! Tinatawagan ka ng mga taong yun, pero hindi ka sumasagot! Kaya pinatay si mommy, hindi mo siya nailigtas dahil lulong ka sa negosyo at pera, pagpapayaman lang ang nasa isip mo! At wala ka talagang pakealam kung ano ng nangyayari sa paligid mo. Namatay si mommy dahil sa pakikipagkompetensiya mo sa iba!" Hindi magkamayaw niyang hiyaw.

Namumula ang buong mukha niya at mga mata nitong nagpipigil ng kahit na anong emosyon.

Hindi nakasagot si Sir Benjamin, natigilan ito sa rebelasyon ni Yaser.

Nagsipaglaglagan na rin ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Pero alam mo kung anong masaklap? Hanggang ngayon, hindi mo parin alam kung sino ang may gawa nun." Mahinahon ng boses ni Yaser.

"Wala akong nagawa nung mga panahong yun, kaya hindi ko na pinalampas ngayon." Malamig na saad ni Yaser.

"Anong ginawa mo?" Malalim na tanong ng dad niya.

Napaestatwa ito sa kinatatayuan habang hinihintay na sumagot si Yaser.

Umayos ng tayo si Yaser at inayos ang nalukot na damit.

Maging ako ay naghihintay ng isasagot niya.

"Ang kupad ng mga tao mo, kaya ako na ang gumawa ng hakbang para sayo." Simpleng sagot nito.

"Nakaganti na ako dad..." Dagdag niya.

Napatigil ako sa paghinga...

Hindi nakagalaw si Sir Benjamin.

"Hindi mo alam na nakakasalamuha mo ang nagpapatay kay mom?" Mapait itong tumawa ng mahina.

"Wala kang kaalam-alam na si Mayor ang nasa likod non?" Ngisi nitong nagpalaki ng mata ko.

Napatingin ako sa dad niya.

Para itong nawala sa sariling umupo ng dahan-dahan sa inuupuan niya kanina.

Si Mayor?

Kung ganun...

Napatakip ako sa bibig.

Hindi...

"Kaya naman, para matapos na ang pangsisisi mo sakin, tinapos ko na rin ang buhay niya." Walang kaemo-emosyon niyang sambit.

Nanginig ang kamay kong napahawak sa gilid ng mesa.

"Kaya pwede ba dad? Itigil mo na ang pagpapahirap sakin. Dahil nakapag higanti na ako, tinapos ko na dad. Tinapos ko na..." Maang niyang usal.

Pagkatapos ay bumaling siya sa gawi ko, napaatras akong nagsipaglandasan ang mga luha mula sa akin.

Pumatay siya...

@dikaPinili_

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon