Chapter 25

531 29 4
                                    

Big trouble.

"Oh, teka dahan-dahan. Wag kayong magtulakan." Natatawang sambit ni Yosef.

Nandito kami sa kabahayan ngayon, gumawa kami ng kakanin kanina. Mabilis lang itong maturuan dahil gusto naman nito ang ginagawa.

Pagkabungad pa lang namin ay dinumog na ang tinda namin, o mas okay yatang sabihin na dinumog siya.

Mapabata man o matanda, karamihan mga babae.

Sinabi nitong sasamahan ako ngayon kaya pinagbigyan ko naman siya.

Siya ang nagbuhat ng tinda namin at taga sukli naman ako.

"Ito pogi..." Sabi ng matanda sabay abot ng bayad.

Tumingin siya sa'kin at muling binalingan ang matanda.

"Sa Misis ko nalang po niyo ibigay, salamat po." Nakangiting sabi nito.

Napakagat naman ko sa pang ibabang labi dahil sa itinawag niya sa'kin.

Apat na araw simula nung dumating siya, mas naging sweet ito at clingy.

Tumikhim ako ng mahina para pigilan ang pag-ngiti.

Lumapit naman sa'kin iyong matanda.

"Ito ineng limang pirasong palitaw ang nakuha ko." Sabay abot ng bayad.

Ngumiti ako at kinuha iyon saka kumuha ng panukli.

"Napaka swerte mo naman sa asawa mo, hindi lahat nabibiyayaan ng ganyang ka gwapo at mapagmahal na asawa." Aniya.

"Sana nga po hindi siya magbago, oh eto po ang sukli nay. Salamat po." Ngiti ko sabay abot ng sukli.

Nagpaalam na ito sa'kin.

"Kuya, kinuha niya yung binili ko." Rinig kong iyak ng batang lalaki kaya napatingin ako rito.

Nasa harapan siya ni Yosef habang nagsusumbong.

Bumaling si Yosef sa itinuro ng bata.

Kasabay ng pagtakbo ng batang itinuro nito kaya naman napalakas ang iyak nung batang lalaki.

Ibinaba ni Yosef ang bilao at pumantay sa bata.

"Hey, stop crying. Ganito, papalitan ko yung kinuha niya. Okay ba yun? Kaya wag ka ng umiyak." Malambing na sambit nito at pinunasan ang luha nung Bata gamit ang likod ng kanan niyang kamay.

Tumango naman iyong bata at suminghit-singhot.

Tumayong muli si Yosef at kumuha ng supot saka kumuha ng kakanin at ibinigay sa bata.

"Salamat po." Pasalamat niya.

Tumango naman si Yosef at ginulo ang buhok ng bata.

Tumakbo iyon na sinundan ng tingin ni Yosef.

Napaka gentle talaga niya kahit kanino...

Bumaling siya sa'kin.

"Ako ng magbabayad nung kinuha niya, mahal." Ngiting sabi nito.

Mabilis naman akong umiling.

"Wag na, ano ka ba." Ngiti ko.

Itinaas nito ang kanan niyang kamay, nagpapahiwatig na gusto niyang lumapit pa ako lalo sakanya.

Kaya naman mas lumapit pa ako.

Humaplos siya sa likod ko at iginaya paupo sa lap niya.

Umupo naman ako, ipinatong nito ang kaliwang palad sa hita ko at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa likudan ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon