Chapter 47- (SPG)

565 17 0
                                    

Warning!!!
SPG. Walang sawang magbibigay ng paalala para sa lahat.

Punishment.

"Nawawala ang tito mo." Problemadong saad ni mama.

Pinuntahan niya ako dito sa school, day off daw kasi niya kaya napaluwas ito.

Buti at pinapasok siya ng guard.

"Nawawala po? Kailan pa?" Takang tanong ko.

Napahilot siya sa noo.

"Iyon na nga e, tinanong ko sa ate mo. Hindi maman siya makasagot." Sagot ni mama.

"Siguro nasa pampang lang ma." Sambit ko.

Umiling siya.

"Nagtanong na rin ako sa mga kumpare niya, pero wala silang naisagot sa akin." Aniya.

Saan siya nagpunta kung ganun?

Napalunok ako ng maalala ang pagtatangka niya sa'kin nung gabing iyon, nasaksak ko siya ng gunting pero sigurado naman akong hindi malala iyon...

"E anak, bakit ka naman umalis sa bahay? Nadatnan ko ang ate mo roon kahapon na mag-isa kaya nagpunta na rin ako rito dahil hindi ko naman alam kung saan ka namamalagi." Pag-aalala niyang usal.

Huminga ako ng malalim.

"Sorry ma, sa condo po ako ni Yosef ngayon. Sorry po..." Paghingi ko ng paumanhin.

"Bakit? May problema ba sa bahay? Bakit hindi kayo nagsasabi sa'kin, para maayos ko kung ano man iyon. Hindi mo naman kailangang umalis at iwan ang ate mo anak." Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Bumalik ka na sa bahay anak, walang kasama ang ate mo." Aniya.

Napalunok ako...

"Sige na, babalik na naman ko bukas. Maiiwan ko na naman kayo." Mahina niyang sabi.

"Sige ma, sasabihin ko po kay Yosef." Pagsagot ko.

Hindi ko alam baka isang araw bumalik si tito, at baka maisagawa na nito ang balak kapag nagkataon.

Natatakot ako pero hindi ko naman matiis si mama.

Ngumiti siya at yumakap sa'kin.

Bago umalis si mama ay nag-abot siya ng pera sa akin pero tumanggi ako at sinabing ibigay nalang kay ate.

Sumapit ang hapon at naka-uwi na rin kami ng condo.

Ibinababa ko ang bag sa gilid ng yumapos ng yakap si Yosef mula sa likuran.

Humalik-halik siya sa batok ko.

Hinaplos ko naman ang braso niyang nakayakap sa'kin.

"Mahal." Panimula ko.

"Hmmn..." Pagdaing niya habang pinapasasandahanan ng dila ang balat ko.

"Ano kaya kung... Umuwi muna ako samin?" Pagkasabi ko ay agad itong napahinto.

Bumaling ako sakanya.

Napausli ang baba nito.

"Kasi, nagpunta si mama kanina sa department namin... Pinababalik niya ako ng bahay dahil walang kasama roon si ate-" Hindi ko naituloy ng tumagilid siya.

Mababaw at mabilis na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Mahal-" Pinutol niya.

Nanigas ang aura itong bumaling muli sa'kin.

"No." Mariin at tipid niyang sambit.

"Mahal, babalik lang naman ako sa bahay. Hindi naman ako lalayo." Mahinang usal ko saka hinawakan ang kamay niya ng umabante paatras ito.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon