Chapter 56

569 21 0
                                    

Real situation.

"Buntis ka?" Mariing tanong ni Yosef.

"Oo." Tipid kong sagot.

Pinagamit ako ni Juris ng PT para malaman kung buntis ba ako o hindi.

Kaya napatunayan kong buntis nga ako.

"Ilang beses na may nangyari sainyo?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Napapikit ako ng ihagis nito ang PT na nakita niya sa ibabaw ng kama kung saan ako natutulog.

"Ano ka ba Delaney! Nagpabuntis ka pa talaga sa lalaking yun!? Hindi ka ba nag-iisip?" Inis niyang hiyaw.

"Bakit ba ang dami mong sinasabi! Ibalik mo ako sakanya, ganun kasimple. Bakit ka pa kasi nagpakita! Sana hindi ka nalang bumalik!" Hiyaw kong pabalik.

Ginulo nito ang buhok.

"Dahil gusto kitang balikan! Gusto kong bumawi sa mga araw na nawala ako!" Malakas niyang boses.

Habol ko na ang hininga ko dahil sa nararamdaman.

"Huli ka na! Huling-huli ka na Yosef. Hindi ako laruan na babalikan mo lang kung gusto mo! Wala na, hindi mo ba nakikita? Napamahal na ako kay Yaser! Kaya ibalik mo na ako... Please. Miss na miss ko na siya!" Pagbasag ng emosyon kong pagsusumamo sa huling katagang sinambit.

Umiling siya.

"Kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya isosoli sakin. Nasan ang pagmamahal na sinasabi mo?" Mapakla niyang tono.

Napahikbi ako at napatakip sa buong mukha.

"Ako ang aako ng responsibilidad. Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo." Buong boses niyang sabi.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

Umiling ako.

"Hindi. Ayoko, Yosef." Taranta kong pagmamakaawa.

Tumigas ang pustura nito.

"Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon." Malalim niyang sambit.

Walang halong pagbibiro sa tono niya.

"Ayoko! Yosef!" Paghabol kong sigaw ng maglakad ito palabas ng condo.

Napaiyak akong unti-unting umupo sa ibabaw ng sopa.

Napahikbi akong humimas sa tiyan kong wala pang umbok.

"Hihintayin natin ang papa mo, ha? Wag kang mag-alala babalikan niya tayo..." Hikbi kong pinapakalma ang sarili.

"Babalik si Yaser..." Usal kong pilit pinapatatag ang sarili.

Dumating pa ang mga araw at magtatatlong buwan na...

Hindi parin ako pinanghihinaan ng loob.

Gigising sa umagang kakain, matutulog at papasok sa school lang ang nagiging routine ng buhay ko.

Habang hinihintay siyang bumalik ay inabala ko muna ang sarili sa pag-aalaga ng baby kong nasa sinapupunan ko.

Medyo malaki na ang umbok ng tiyan ko, hindi kagaya ng ibang mommy ay maliit kumpara sa tiyan kong mag tretree months palang.

Alam na rin ni mama ang tungkol sa pagbubuntis ko at nalaman na rin niyang hindi si Yosef ang nakasama ko nung mga panahong iyon kundi si Yaser at ama ng ipinagbubuntis ko ngayon.

Alam na rin ng buong tao sa campus, syempre, laman na naman ako ng chismis. Pero sanay naman na ako, kaya para hindi mastress ay hindi ko nalang pinapansin ang mga nasasabi nila.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon