Chapter 31

520 25 0
                                    

Upset.

"Samahan mo na ako..." Pagpipilit ni Juris.

Pumunta siya rito sa condo ng mag-isa.

Wala si Yosef dahil may inasikaso ito at hanggang ngayon wala pa siya, malapit ng gumabi.

"Magpaalam muna tayo." Pagpipilit ko rin.

Sumimangot ito.

"Ako naman ang kasama mo, ako ng bahalang magpaliwanag kay Yosef. Promise." Aniya sabay taas ng kaliwang kamay nito na waring sumusumpa.

Huminga ako ng malalim.

Ngumiti siya at nag puppy eyes.

"Baka mapagalitan ako." Problemado kong sambit.

Umiling-iling siya.

"Hindi yan, sige na kasi..." Pagpilit parin niya.

Napakamot ako ng sintido.

"Sige na nga." Pagsuko ko dahil kanina pa siya walang tigil na pangungulit sa'kin.

Umaliwalas ang mukha niya.

"Ayiee... Sige na dali na magbihis ka na." Pagtataboy niya sa'kin.

Tumango nalang ako at pumasok nang kwarto.

Naghanda ako ng simpleng fitted nude shirt at pants.

Kinuha ko ang tuwalya at pumasok na ng bathroom.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok gamit ang driyer, saka ako nagmibis at lumabas na ng kwarto.

Pinasandahanan naman ni Juris ang kabuuan ko.

"Palitan mo, mag short ka." Utos nito.

Umiling ako.

"Ganito nalang, saan ba kasi tayo pupunta?" Pagtatanong ko.

Ngumisi ito.

"Magliliwaliw." Tipid niyang sagot.

Hindi niya ako mapilit na magpalit kaya lumabas na kami ng condo at sumakay ng elevator pababa.

Pagkababa namin ay pinatunog nito ang dalang sasakyan.

Maging sa biyahe ay walang habas ang pagsasalita nito, kung ano-ano ang mga naiisip niyang ikwento.

Nakakagaan siya ng loob dahil kahit kailan lang kami nagkakilala ay itinuturing na niya akong kaibigan.

Pagkarating namin ay inihinto niya ang sasakyan sa may garahe.

Bumaling ako sa labas.

"Charannn! Nasa bar tayo." Galak niyang sabi, sabay baba ng sasakyan.

Napamaang ako.

Hindi ko alam na dito niya balak magbonding kami.

Napaiktad ako ng kinatok nito ang sa may gawi ko kaya binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

"Dito talaga tayo pupunta?" Maang kong tanong.

Ngumiti naman siya ng matamis at tumango.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila papunta ng entrance.

Pagkapasok ay marami ng mga tao.

Hinila niya ako papunta ng counter at umupo.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa'kin.

Bumaling naman ako sa naka display na ibat ibang alak.

"Juice nalang-" sagot ko ng pinutol niya ito.

"Hep! Ano ka nata? Ako nalang ang oorder para sayo." Aniya.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon