Chapter 14

517 25 0
                                    

Birthmarks.

"Wag ka nang maglako, Dela. I'll take care of all your needs, para naman hindi double-double ang pagod mo." Sabi ni Yosef.

Naglalakad kami ngayon pauwi ng bahay, dating gawi. Pagkatapos ng klase ko ay inihahatid ako nito.

"Hindi naman pwede yun, Yosef. Ayoko namang i-asa sayo ang gastusin ko sa school. At saka, hindi naman mahirap na gawain ang pagtitinda." Paliwanag ko.

4:45 p.m

Mangunguha kasi kami ulit ng niyog ngayon dahil maaga pa naman.

"Ano naman? Magiging girlfriend din naman kita, Dela." Makulit niyang sabi.

Huminga ako ng malalim.

"Para naman may pagkaabalahan ako tuwing walang pasok, alam mo namang ayoko ng nababakante sa bahay." Pagpapaintindi ko.

Inabot niya ang palad ko at hinawakan iyon.

"Ano pa nga bang magagawa ko, mas mapilit kana sakin ngayon." Pagtatampong tono niya.

Ngumiti naman ako at humaplos sa braso niya.

"Ayaw mo ba nun? Masipag ang magiging asawa mo soon." Biro ko.

Kumurba naman ang ngiti niyang binaba ang tingin sa'kin.

"Sulitin mo na ang pagsisispag mo ngayon, dahil gagawin kitang prinsesa pagdating ng panahon, Dela." Buong boses niyang sabi.

Lumaki naman ang ngiti ko.

Kaya hindi ko maiwasang mahulog sakanya lalo.

Pagkarating namin ng tarangkahan ay agad kong napansin ang kotse na nasa lilim ng puno.

Alam kong kotse iyon ni Yaser.

Ano na naman bang ginagawa niya rito?

Pagkapasok namin ay agad na tumambad ang nakakalong na si ate sa kandungan ni Yaser.

May ibinulong si ate sakanya pero wala itong pakealam.

Pagkatingin sa'min o sa'kin ay agad naglikot ang mga mata nito.

"Kuya, nandito ka rin pala." Panimula ni Yosef.

Pinaalis ni Yaser si ate sa kandungan nito.

"Nagtanong ka pa, Nakita mo naman na siguro yung kotse ko sa labas." Pabalang na sabi nito.

Rinig ko ang paghinga ng malalim ni Yosef.

Wala si tito, siguro ay nasa sabungan ito ngayon.

"Yosef, maupo ka muna. Magpapalit lang ako, ha?" Bulong ko sakanya.

Tumango naman ito.

Pumasok ako rito sa kwarto namin at saka ibinaba ang bag at nagpalit.

Pagkatapos kong magkapag palit ay lumabas na ako ng kwarto.

Sinenyasan ko si Yosef kaya tumayo ito.

Bumaling maman ako kila ate.

"Maiwan muna namin kayo rito-" sambit ko ng magsalita si Yaser.

"Pupunta rin kami." Sabi nito.

Tumingin naman ako kay Yosef.

"Babe, dito nalang tayo. Saka marurumihan ka ron." Singit ni ate.

"Ang boring dito, gusto kong lumabas." Sagot nito.

Walang nagawa si ate ng tumayo ito.

Kumuha muna kami ng sako ni Yosef bago kami pumanhik.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon