Chapter 39

539 18 0
                                    

Guest.

Kasalukuyan akong nagluluto ng tumunog ang pintuan tanda na my tao sa labas.

"Mahal!" Pagtawag ko ka Yosef.

Siguro hindi pa siya tapos maligo.

Kaya naman hinubad ko muna ang apron saka naglakad papunta ng pintuan.

Pagkarating ko ay agad ko itong binuksan.

Napatigil ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Iha, are you alright?" Tanong niya sa'kin.

Naka business suit ito.

Malakas ang tindig niya at may matigas na aura.

Daddy ni Yosef.

Napakurap-kurap ako at agad na ngumiti.

Ngumiti naman ito pabalik sa'kin, taliwas ang tindig niya sa ipinapakitang ugali nito.

Naalarma ako.

"Pa-sok po sir." Nahihiyang pag-aaya ko.

"Salamat iha. Si-" Hindi ko siya pinatapos at sumagot agad.

"Nasa kwarto po, nagpapalit lang po siguro." Magalang kong pagsagot.

"Maupo po muna kayo." Sambit ko.

Umupo naman siya sa sopa.

"Gagawan ko lang po kayo ng meryenda." Nakangiti kong paalam

Tumango naman siya at ngumiti.

Napabuga ako ng malalim na buntong hininga ng makarating ako rito sa kusina.

Ang akala ko, susungitan ako nito pagkakita sa'kin.

Pero base sa galaw niya ay siguradong mabait ito.

Rinig ko ang pagbubukas ng pintuan sa kwarto kaya agad akong sumilip doon.

Nagkukusot ng buhok si Yosef gamit ang twalyang nasa balikat niya.

"Mahal." Pagtawag ko rito sapat na para marinig niya.

Bumaling naman siya sa'kin at naglakad papunta sa gawi ko.

Pagkarating ay agad akong hinalikan sa labi.

Ang bango niya...

Nakakadik ang amoy nito.

Nang hindi pa niya binibitiwan ang labi ko ay agad kong tinapik ang dibdib niya kaya binitawan nito ang labi ko pero pumaibaba lang iyon sa panga ko pababa sa leeg.

Humakbang siya kaya napaatras ako hanggang maramdaman ang sink in ng kitchen.

Naglalakbay din ang kamay nito pababa sa pwetan ko at pinisil iyon.

Ang hirap na kasi niyang patigilin kapag nasimulan na niya.

Humaplos ako sa braso nito.

"Ma-hal, tigil na-ughh." Kagat labi kong pagdaing ng ipasok nito ang magkabilaang kamay sa loob ng pajamang suot ko, kaya ramdam ko ang init ng palad niyang humihimas sa dalawa kong pwetan.

"Yo-sef, te-ka." Pagpapatigil ko sakanya ng ibinababa nito ang salawal ko.

"Nasa sopa ang daddy mo-umm..." Pabulong kong sabi.

Napatigil ito at tumingin sa'kin.

"Pumunta ka na don naghihintay siya, sige na..." Utos ko.

"Kanina pa ba siya? May sinabi ba siya sayo?" Pagtatanong niya.

Umiling ako.

"Wala naman, ang bait nga niya e." Ngiti ko.

Tumango naman siya at iniayos ang pajama ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon