Chapter 40

490 19 1
                                    

Diet.

"Aba, nagbubuhay prinsesa ka na ngayon ah. Sabihin mo nga Delaney, ilan na ang nalikom mong pera mula kay Yosef huh?" Mapang-uyam na tanong ni ate.

Nakasalubong ko kasi siya kanina dito sa hallway ng Meds department.

Iiwas na sana ako ng magsalita ito.

"Ate, ano pa bang ipinuputok ng butchi mo?" Mahinahon kong tanong.

Umabante ito papalapit sa'kin.

"Para ka ng sino kung makapagsalita ah, e palamunin ka parin naman kay Yosef, maka asta ka akala mo kung sino." Taas kilay nitong sambit.

Huminga ako ng malalim.

"Sasabihin ko kay mama na hindi ka na sa bahay tumitira, sasabihin kong dahil sa kalandian mo sumama ka kay Yosef." Pagbabanta nito.

"Sabihin mo rin ate na pinagtangkaan ako ni tito, at wala kang ginawa." Sambit ko.

"Ate, bakit ba ang init-init ng dugo mo sakin? Simula't sapul wala naman akong ginagawang masama sayo para tratuhin mo ako ng ganito. Nakuha mo pa akong siraan sa lahat, kahit alam mo naman ang nangyari nung gabing yun. Matatanggap ko pa na hindi tayo magkasundo, pero iyong humingi ako ng tulong sayo nung gabing yun at hinayaan mo lang, ate, grabe ka, grabe ka na. Mas gusto mo pa yatang natuloy-" Hindi ko naituloy ng itulak niya ako bigla, dahilan ng pag-atras ko.

Nanggagaliiti itong nakatingin sa'kin.

"Oo, sana nga natuloy nalang! Para naman hindi lang ako yung sirang sira sa mata ng ibang tao, para naman pandirihan ka rin! At hindi lang ako yung nakikita nila! Sana nga, sana nagahasa ka nalang!" Malakas niyang hiyaw.

Mabibigat ang bawat paghinga ko...

Nanggigilid ang luha sa'kin.

"Nagahasa ba? Huh? Oo! Nagahasa ako, pero hindi kay tito kundi kay Yaser! Ngayon, masaya ka na?" Habol hininga kong pag-amin.

"Ate, hindi ko hinihiling pang magkasundo tayo, pero sana naman... Saman naman irespeto mo naman ako gaya ng pagrespeto ko sayo, kahit konti lang..." Mahinang sambit ko kasabay ng paglaglag ng luha mula sa akin.

Pinunasan ko ito at iniwan siya sa kinatatayuan.

Patakbo akong bumalik sa department namin.

Sumapit ang hapon, dating gawi. Hinahantay ako ni Yosef sa labas ng classroom hanggang matapos ang klase.

Nasa biyahe kami ng iwinawaksi ko ang naging sagutan namin ng kapatid ko.

"Mahal, are you alright? Masama ba ang pakiramdam ng baby ko?" Malambing niyang tanong saka sinakop ng malaki niyang kamay ang kamay kong nasa ibabaw ng hita ko.

Bumaling ako sakanya at ngumiti.

"Wala lang to Mahal, nagkaroon lang kasi kami ng diskusyon ni ate kanina. At syempre nauwi na naman iyon sa away." Pagtatapat ko.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka niya ako sinulyapan.

Kumunot ang kilay nito.

"Did she hurt you?" Seryosong tanong niya.

Mabilis naman akong umiling.

"Sumbatan lang, mahal. Hindi naman niya ako sinaktan." Sagot ko sabay haplos ng likod ng palad niya.

"Haharapin ko na talaga ang kapatid mo kapag sinaktan ka niya." Sambit nito.

Bumuntong hininga ako.

Ayoko nalang lumaki pa ang away.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon