Chapter 46

472 18 1
                                    

Strange.

"Mahal, kalong ka sakin." Malambing na pag-aaya ni Yosef.

Nandito kami sa sopa ngayon, naisipan kasi naming manood.

Kanina, kinikilig pa ako. Pero ngayon...

Bubuhos na naman yata ang luha ko.

Nakatutok lang ako sa pinapanood namin, para akong mapahagulgol dahil sa sakit ng scene.

"Mahal, come..." Paghaplos ni Yosef sa braso ko at tinapiktapik pa ang lap niya.

Hindi ko siya pinansin.

Hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit panoorin ang More than blue, ang bigat pala sa dibdib.

Napatakip ako ng labi ng nagsisimula ng lumabas sa'kin ang mahinang pag-iyak.

Ramdam ko ang paglapit pa ni Yosef, saka siya umakap patagilid.

Lumakas ang pag-iyak ko.

"Hey, it's just a drama mahal. Shhh..." Paglalambing niya at hinalik-halikan ang pisngi ko.

"Here, baby." Mahinang aniya sabay tapat ng tela sa ilong ko.

"Sniff, mahal." Utos niya.

Ginawa ko naman iyon hanggang sa mailabas lahat ng sipon ko.

Pagkatapos ay ang luha ko naman ng pinunasan niya, saka siya umupo ng tuwid.

Napatigil ako't napalunok.

Bumaling ako sakanya, siya namang pagbaling niya sa'kin.

Bumaba ang tingin ko sa laylayan ng shirt niya.

Basa iyon...

Napakurap-kurap ako.

"Why mahal?" Untag niya.

May naalala ako...

Muli akong tumingin sa mga mata niya.

Nagtataka itong nakatingin sa'kin.

"Mahal?" Usal niya.

Napapikit ako ng mariin at unti-unting ngumiti ng tipid.

"May problema ba? Diba sabi ko naman kasi sayong iba nalang ang panoorin natin, yan tuloy." Ngiti niyang saad.

Tumikhim ako ng mahina.

"Matulog na tayo mahal?" Mahina kong pag-aaya sakanya.

Tumango naman siya at tumayo para patayin ang tv, sinundan ko siya ng tingin.

Umiling-iling ako...

Kung ano-anong naiisip ko, siguro dala lang to ng pinanood namin.

Pagsapit ng umaga, oras na naman para pumasok.

"Mag-half day ako mamaya mahal, may pupuntahan lang ako. But before you go out later, I'm already here. Okay? just wait for me." Aniya.

Tumango naman ako.

"Sige na, pumasok ka na." Utos niya sa'kin.

Humalik muna siya sa labi ko.

"I love you." Malamyos niyang sambit.

"I love you too, mahal." Ngiting sagot ko saka ulit tumingkayad para maabot ang labi niya.

Pina-una muna niya akong makapasok sa classroom bago siya naglakad.

"Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon hindi ka parin nabubuntis yan, diba matagal na silang naglilive in ni Yosef?" Rinig kong bulong-bulungan sa likod ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon