Prologue

1.3K 45 10
                                    

Lumiko ako ng landas dito sa may kakahuyan.

Pumasok pa ako sa may madilim na parte para hindi niya ako mahanap.

Nangangatog ang tuhod kong umupo dito sa may natumbang malaking puno.

Niyakap ko ang sarili ng marinig kong huminto ang sasakyan.

Lumandas sa'kin ang mahinang pag-iyak.

Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ang pagkaluskos ng mga yapak sa paligid.

"Delaney..." Dumagundong ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Parang galing hukay ang boses niya...

"Baby, I'm not playing with you... Umuwi na tayo." Malamig niyang tono.

Sobrang lakas at bilis ng pagdagundong ng puso ko sa kaba.

Pinigilan kong wag kumawala ang malakas na iyak mula sa'kin.

"Sige, laro ang gusto mo? Magtago ka ng mabuti, sa oras na mahanap kita, i will not let you escape again." Mariing boses niyang saad.

"Hindi mo naman sinabing gusto mong makipag laro ng hide and seek, mahal." Mapaglarong boses niya.

Malapit lang siya sa akin...

Hindi ko na marinig ang pagyapak nito na sobrang ikinatakot ko.

Nasan na siya?

"I am almost there, baby." Aniya.

Hindi ako gumalaw.

Napatakip lang ako ng bibig.

Maya-maya pa ay hindi ko na narinig ang boses nito, kaya dahan-dahan akong gumalaw para sana lumipat ng pwesto.

Nang...

@dikaPinili_

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon