Chapter 59

818 23 0
                                    

Family.

After 4 years...

Pinihit ko ang seradura ng pintuan ng kwarto saka ako pumasok.

Nagtungo ako sa malaking kurtina saka ito binuksan.

Napangiti ako at sumampa ng kama.

"Yasir, anak gising na..." Malambing kong boses sabay hinalik-halikan ang pisngi nito.

"Baby, bangon na..." Patuloy ko saka inayos ang buhok niya.

Unti-unti siyang nagmulat.

Ngumiti siya ng matamis at iniangat ang dalawang kamay.

"Good morning mama." Malambing niyang bungad.

Hinawakan ko ang likod nito para ibangon.

Binuhat ko siya.

"Ang bigat-bigat na ng baby ahh." Ngiti kong sabi.

"Si papa po?" Pagtatanong niya.

"Nasa baba na, nakahanda na rin siya ng breakfast natin." Ngiti kong sagot.

Ibinaba ko muna siya saka inayos ang kama.

Pagkatapos ay pinauna ko na itong lumabas ng kwarto.

Basta magigising ito ng umaga, papa niya lagi ang tinatanong.

Nakarating kami sa isa pang kwarto.

Binuksan ko ito at nauna siyang naglakad papasok.

"Yitro!" Malakas na boses ni Yasir habang pinipilit iniaakyat ang katawan sa kama ng kapatid.

"Anak, dahan-dahan." Saad ko saka ulit binuksan ang kurtina.

"Wake up, Yitro!" Malakas niyang paggising sa kapatid at hinila-hila pa ang kumot.

Hindi talaga siya nakakatulog kapag hindi nakadapa lagi.

Napakamot pa ito sa ulo habang nakapikit.

Nangunot ang kilay nito.

Bumangon siya ng nalulukot ang mukha dahil sa ingay ng kapatid niya.

Inis na inis talaga siya kapag maingay ang paligid.

Naalarma ako ng marinig ang pag-iyak niya.

"Tahan na baby..." Pagsasapo ko sakanya.

Aburido itong palakas nang palakas ang iyak.

"Tama na, tumigil na si Yasir anak, shhh. Inaantok ka pa ba? Mamaya ka nalang bumaba, okay? Sorry kung ginising ka namin baby." Malambing kong boses habang pinupunasan ang sipon at luha nito.

"Mama, nagugutom na ako..." Reklamo ni Yasir na nagpagulong gulong na sa ibabaw ng kama.

Yumakap si Yitro sa braso ko habang sumisinok sinok.

Hindi maganda ang gising niya...

Hinaplos ko ang buhok nito.

"Pabuhat ma-ma." Malambing niyang tono.

Tumango naman ako at hinalikan ang noo niya sabay buhat.

"Halika na Yasir baba na diyan, dahan-dahan..." Hinawakan ko ang kamay niya habang bumaba.

Lumabas kami ng kwarto ni Yitro.

Pagkatapat namin sa isa pang kwarto at binuksan kong muli ito saka kami pumasok.

Pagkapasok namin ay gising na si Yvor.

Nakatalikod ito sa'min habang sumasayaw ng naka brief.

Napatawa ako dahil sa paggiling-giling niya.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon