Chapter 36

488 22 1
                                    

Jealousy.

Lumabas na kami ni Juris mula sa loob dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang ba?" Untag na tanong niya sa'kin.

Nandito kami sa sopa ngayon.

Ngumiti ako ng pilit sakanya at tumango.

"Tatawagin ko nalang si Yosef, gusto mo?" Alalang tanong nito dahil hindi kumbinsido sa pagtango ko.

"Wag na, maaga pa naman. Siguro mamaya nalang." Pilit kong binuhay ang tono ko.

Tumitig siya sa'kin saka unti-unting tumango.

Ilang sandali pa ng may umupo sa tabi ko.

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Juris bago naglakad palayo.

Hinaplos ni Yosef ang braso ko at humalik sa batok ko kaya napaayos ako ng upo at humarap sakanya.

"Hmn, maaga pa naman ah, bakit ka lumabas?" Pilit na ngiti kong tanong.

Tumitig ang mapupungay niyang mga mata sa'kin.

"Lego said that you entered the living room earlier, so-" malambing niyang sagot na pinutol ko.

"Oo nga, hindi mo ako napansin?" May pang-uuyam kong boses.

Huminga ako ng malalim, ayokong lamunin ng selos.

Rinig ko ang paglunok nito, umabante siya papalapit pa sa'kin sabay hawak ng palad kong nasa hita.

"I'm sorry, mahal. Nag-uusap kasi kami ni Chunk kanina..." Pagpapaliwanag niya.

"Talaga ba?" May inis na boses kong tanong.

Napawi ang paglamlam ng mukha niya at napalitan iyon ng pagkalito.

"Hey, why are you toning like that, baby? Did I do something wrong?" Nalilito niyang tanong.

Lumunok ako at ngumiti nalang ng pilit saka ako umiling.

"Bumalik ka na dun, mamaya nalang tayo umuwi." Sambit ko sabay bawi ng kamay kong hawak niya.

Pinakatitigan niya ako, hinahanap sa mga mata ko ang problema.

Umiwas ako ng tingin at umupo ng maayos.

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Come here, can you please tell me what's going on? Are you pregnant? Ang bilis mo namang maglihi, mahal. 3 days palang yung nangyari-" Malambing niyang saad sabay hawak sa gilid ko at hinihila paangat ng nagmatigas ako.

"Ano ba, bumalik ka na nga dun." Inis kong utos rito.

"Mahal, wala ka ba sa mood? Or may nasabi ba ako? May nagawa?" Problemado niyang sunod-sunod na tanong.

Umiling ako.

"Wala nga- ahh!" Napahiyaw ako ng bigla nitong sipain ng malakas ang babasaging mesang nasa harapan namin.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"Tell me, Delaney. Kung bakit ka nagkakaganyan." Mariing pag-uutos niya.

Sunod-sunod ang paghinga ko ng mabilis.

Umiwas ako ng tingin.

"Sinabi ko ng wala nga diba? Bakit ba ang kulit mo?" Palakas nang palakas ang boses kong sabi.

Gagalaw na sana ako palayo sakanya ng mabilis niyang hawakan ang magkabilaang balikat ko at ipahiga sa sopa.

Naalarma ako ng pumaibabaw ito.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon