CAPITULUS UNUS

190 5 0
                                    

CHAPTER 1

Monica's POV

"Ano!? Talagang ginawa mo talaga yon Monica?" Gulat na gulat na ekspresyon ni Arianne ang nag-iisang kaibigan ko.

"Narinig mo naman ng malinaw diba? Saka wag ka ngang OA dyan kung maka-react naman diyan kala mo talagang totoo yon." Saka ako bahagyang umirap sa kanya.

Bigla itong tumahimik. At mataman akong tinitigan.

"Talagang bang Sinunod mo ang Rituwal? Kasi Monica ang bawat hiling may kapalit yon. Mapa Demonyo man o Maligno. Ngayon alin sa dalawa ang nakarinig sayo o natawag mo?"

"O bakit. Arianne? Don't tell mo na naniniwala ka sa mga Super Natural?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Bahagya naman itong umiling. "Best ano ka ba. Hindi naman kasi biro yung ginawa mong yon eh. Paano kung m-may natawag kang Demonyo? O kung may maligong nakarinig na lang sayo? O anong gagawin mo?"

Aaminin kong kinabahan ako. Pero hindi kasi ako naniniwala sa mga Kahindik hindik na mga bagay sinubukan ko lang talaga.

Kinuha ko na ang Bag ko sa upuan ko at isinukbit yon sa balikat ko.

"Don't worry kasi Isang Linggo na simula nang ginawa ko ang Rituwal na yon. Wala namang nangyari e. Bagsak pa din ang Negosyo ni Daddy. Saka ayokong makasal kay James na yon---"

"Kaya kahit sa Demonyo o Maligno makikipagkasundo ka ganon." Putol nito sa sasabihin ko.

Sinukbit na din nito ang Shoulder Bag saka kami sabay na lumabas ng Classroom.

Sunod sunod ang tango ko. "Yup! Kasi hindi ako naniniwala na tanging pagpapakasal sa taong hindi mo kilala ang makakapagsalba ng naluluge mong Negosyo. Diba Tama naman ako. At Isa pa hindi ko siya gusto."

"Yan tayo eh. Hindi gusto? Sa guwapong yon ni James aayawan mo pa! Ang choosy mo naman gurl!"

"Choosy ka dyan! Kung gusto mo sayo na lang siya. Asus! Hindi ko din kasi type yung Personality niya. Para Kasi siyang Mama's boy yung tipong hindi kayang tumayo sa sariling mga paa na kapag naghirap e halos magpakamatay na... ganun ko nakikita si James."

Tinapik na lamang ako ni Arianne bilang pagsang-ayon niya sa mga sinabi ko. Sabay tawa namin. Para kaming mga nababaliw. Buti na lamang at mangilan ngilan na lang ang mga Estudyante sa Hallway.

Pagdating namin sa gate ng Campus naroon na ang sundo ni Arianne kaya nauna na itong umuwe. Habang ako heto at nagaabang pa ng Taxi.

Unti unti kasing bumagsak ang Negosyo ni Dad. Ewan pero parang bigla itong nalugi samantalang nung nakaraan Buwan lang ay napakaganda ng Sales ng Company namin. Tingin ko may nagnanakaw sa Kumpanya. Naku! Malaman ko lang kung sino siya! Sigurado akong kakalbuhin ko siya kasama ng mga kasabwat niya!

Pero sino nga kaya. Hay naku! Basta hindi ako magpapakasal kay James na yon. Over my Dead Sexy Body!

***

Gabi na nang makauwi sko. Inabutan na kasi ako nang trapik sa daan. Pinagbuksan ako ng Gate ni Manong Guard o diba sosyal kami kahit wala na kaming pera may Guard pa talaga kami.

"Magandang gabi Ma'am Monica." Masayang bati nito.

Tumango ako. "Magandang gabi din po, Manong."

Saka ako naglakad hanggang marating ko ang front door. Hay... ang tahimik na naman. Siguradong wala na naman sina Daddy at si Mommy. Busy na naman sila sa pagsalba sa Kumpanya... Gusto ko din namang maibalik sa dati ang Status ng Company pero hindi naman yon parang Magic lang na isang kumpas lang nang kamay e boom! Okay na uli ang Sales nito.

I am Belphegor Where stories live. Discover now