CAPITULUS VIGINTI DUO

89 5 0
                                    

CHAPTER 22

Monica's POV

Umunat ako. Wow ang lambot ng kinahihigaan kong sahig---

Teka!

Kelan pa naging malambot ang sahig ng seldang kinaroroonan ko?

Umunat uli ako.

Malambot talaga! Masmalambot pa sa Kama ko! Teka maka unat nga uli. Natigil ang pag unat ko ng may narinig akong mahinang tumawa.

Sinong tumatawa?

Marahan kong minulat ang mga mata ko. Mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nag-init ang gilid ng mga mata ko... totoo ba itong nakikita ko o kamukha lang siya ni Belphegor? ang gandang panaginip naman nito.

Tumulo ang luha ko habang tinititigan ang Demonyong nakaupo ngayon sa kanang gilid ng Kamang hinihigaan ko.

"Glaudeo te evigilare." ( Glad you're awake. ) Nakangiting sambit nito.

"Belphegor..." Mahinang tawag sa pangalan nito. Ayaw kong pumikit dahil baka bigla siyang maglaho sa paningin ko.

"Scio." ( Yes. ) Sagot nito.

Natawa ako kasi hindi ko siya naiintindihan. "Anong sinasabi mo? Hindi ko gets pwede paki-translate."

Nakakatuwang panaginip naman ito. Parang totoo nasagot siya. Napahawak ako sa tiyan ko habang titig na titig sa Demonyong kausap ko.

"Ang sabi ko. Buti at gising ka na at oo ako nga ito saka hindi ka nananaginip, totoong nasa harap mo na ako Monica."

"Talaga!?" Ilang beses kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko.

"T-totoo ka nga!" Saka ako marahang gumapang palapit sa kung saan siya nakaupo. Niyakap ko ito nang mahigpit. "D-dumating ka nga gaya ng sinabi mo. Basta tawagin lang kita darating ka. Alam mo bang inantay kita---."

"Prohibere clamantis." ( Stop crying. ) Malambing nitong wika saka niya hinaplos ang buhok ko.

Tumingala ako saka ko siya ginawaran nang masuyong halik sa labi. "Paki-translate please..."

Tumawa ito. Hinagkan niya muna ako. Mainit ang halik na yon. Namiss ko siya sobra. Ayos lang sakin kahit nasa Anyong Demonyo siya, ito ang tunay na Belphegor na minahal ko.

Habol ko ang hininga ko ng kapwa kami bumitaw sa halik namin. Nahiya pa ako ang dilaan ni Belphegor ang sariling labi. Napalunok ako sa ginawa niyang yon ramdam kong nag-init ang buong katawan ko. Ngumisi naman ito sa reaksyon ko, pinahid niya ng magaspang niyang kamay ang mga luha ko.

"Ang sabi ko wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak. Demonyo nga ako pero kahit kelan hindi ko gustong may umiiyak na Babae sa harap ko... lalong lalo ka na. Ayokong ma-stress ka dahil baka mapaano kayo ng Batang nasa sinapupunan mo."

Marahan akong napangiti at tumango. Humiga ako at umunan sa kandungan ni Belphegor ang nag-iisang Lalakeng minahal ko kahit magka-iba kami ng Mundong pinanggalingan mananatiling siya at siya pa rin hanggang sa huli kong hininga. Tumulo na naman ang mga luha ko, bakit may pakiramdam ako na magkakahiwalay uli kami. Ayoko.

"Ang higpit naman ata nang yakap na yan Monica."

Isiniksik ko panglalo ang sarili ko sa kandungan nito. Malaking nilalang siya kaya kasya ang kalahati ng katawan ko.

"Namiss kasi kita."

Mahina itong tumawa saka ako hinagkan sa bunbunan ko. "Magiging masaya kayo dito ng Anak natin. Hindi ka man kauri namin pero sinisigurado kong makukuha mo ang nararapat ng paggalang mula sa kanila."

Pumikit ako at dinama ang mainit na katawan ni Belphegor.

"Ang bait ng Papa mo Anak. Mahal na mahal niya tayo." Alam kong naririnig ni Belphegor ang iniisip ko pero maspinili na lamang niya ang hindi magkomento.

"Mahal ko kayo. Monica."

Marian's POV

HALOS MAGDADALAWANG BUWAN na simula ng kunin nang Demonyong yon ang Anak ko. Ni hindi namin alam kung saan nito dinala ang si Monica.


Lumabas ako ng Kuwarto namin ni Nicholas dala ang isang Backpack bag at isang eco bag na naglalaman ng mga damit ko at ilang personal na gamit. Bumaba na ako ng hagdan saka ako nagtungo sa Pinto. Nagulat ako ng bumukas iyon.

Si Nicholas.

Natigilan ako.

"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong nito habang hinagod ng tingin ang mga bagahe ko.

"W-wag kang mag-alala wala akong kinuha sa mga gamit mo." Sagot ko.

"Anong ibig sabihin nito. Marian?"

Peke akong ngumiti. "Aalis na ako. Wala na din namang dahilan para manatili pa ako dito sa pamamahay mo. Wala na ang Anak ko at dahil yon sayo! Kung hinayaan mo na lang sana sila o di hanggang ngayon kasama ko si Monica. Kaso mapilit ka sa gusto mong mangyari, hinayaan mong magutom at maghirap ang Anak natin para saan! Para lang patunayan sa sarili mo na kaya mong kontrolin lahat! Alam mo kung ano Nicholas masmagandang isinama ng Demonyong yon ang Anak ko kasi kahit pano alam kong aalagaan talaga niya si Monica at ramdam na ramdam kong Mahal niya ang Anak ko! Buti pa ang Demonyo marunong magpahalaga ng damdamin ng iba."

Kinuha ko ang singsing mula sa daliri ko saka ko iyon ibinigay kay Nicholas. "Pinirmahan ko na ang Divorce papers na nung isang taon mo pa ipinipilit sa akin. Maiuuwe mo na dito ang Kabet mo!"

Tinabig ko ito saka ako naglakad palabas sa Bakuran ng dati kong pamamahay. Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko, sa bawat hakbang ko may mga alaalang bumabalik. Naalala ko pa nung unang makilala ko si Nicholas napakabait niya sa akin siguro dahil caregiver ako ng Lola niya pero lahat nagbago noong pilit siyang ipakasal sa akin ni Doña Santos para makuha ang mga mamanahin niya at kelangang magka-anak din kami sa loob ng Isang taon kaya nabuo agad si Monica. Simula non hindi na ako nirespeto ni Nicholas, sinasaktan niya ako kahit sa harapan ng Anak namin wala siyang patawad. Tama lang ang desisyon ko dapat noon ko pa ginawa. Ipinilit kong isalba ang lumulubog naming Relasyon para kay Monica pero ngayong wala na ang dahilan ng lahat bakit pa ako magtitiyaga sa piling ni Nicholas. Lalayo ako at magsisimulang muli. Hindi ko na siya nilingon pang muli tutal kahit kelan hindi ako naging mahalaga sa kanya.

Nicholas' POV

Pinagmasdan ko si Marian hanggang makalabas siya ng Gate. Akala ko magiging masaya ako kapag nawala siya sa Buhay ko. Lumabo ang paningin ko--- naramdaman ko ang pag-daloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko.

Umiiyak ba ako? Pero bakit? Mahal ko na ba ang Asawa ko?

Ibinukas ko ang kamay ko kung saan nilagay ni Marian ang singsing. Naalala ko pa kung gaano siya kasaya nung araw ng Kasal namin, napaka-inosente niya. Kahit hindi ko siya pinapansin at laging sinisigawan ni minsan hindi ko siya kinakitaan ng galit o pagdaramdam. Naalala ko bigla ni minsan hindi ko man lang siya nabigyan ng regalo o kahit pasalubong man lang.

Nagtungo ako sa garahe saka ko pinaandar ang kotse. Hahabulin ko si Marian.

SA PASAY BUS TERMINAL huminto ang sinakyang Taxi ni Marian. Bumaba ito saka pumasok sa loob. Ipinarada ko muna ang sasakyan ko saka ako pumasok sa loob ng Bus Terminal. Nakita ko sa pilahan ng ticket si Marian.

Napahinto ako sa paghakbang ko nang makita ko ang pamilyar na ngiti nito. Matagal ding panahon bago ko nakitang muli ang inosente niyang ngiti, siguro talagang Masaya siyang nakalaya na siya sa pagkakatali sa akin. Ngayon ko lang napansin na kahit simple lang ang Asawa ko maganda ito sa kahit saang angulo ko siya tignan.

"Leyte! Leyte! Aalis na!" Sigaw ng konduktor.

Dali daling lumapit si Marian sa Bus saka pinakita ang hawak na ticket. Lalayo na nga siya nang tuluyan. Pareho sila ni Monica na mawawala sa akin.

Mula sa bintana ng kinauupuan nito sa loob ng Bus ay tanaw na tanaw ko si Marian. Bigla itong lumingon sa direksyon ko para akong binuhusan ng malamig na tubig nang kumaway siya sa akin saka marahang umandar ang sinasakyan niyang.

"M-Marian---." Tanging sambit ko habang pinagmamasdan ang papalayong Bus.

I am Belphegor Where stories live. Discover now