CAPITULUS QUATTOR

79 6 0
                                    

CHAPTER 4

Monica's POV

Natapos na ang sembreak at balik eskuwela na naman! Hay ang sarap sa pakiramdam dahil simula nung huling panaginip ko na kasama yung Demonyo na yon hindi ko na uli ito napanaginipan pa gaya ng sinabi niya. Kahit pano may isa siyang salita. Wow ha mukhang dagdag pogi points yun e kaso hindi naman siya pogi!

O baka sa lahi nila Isa na siya sa pinaka guwapo? Natawa ako. Sabagay matikas siyang tumindig. Makapag-almusal na nga. Bumaba ako at nagtungo sa kusina.

"O. Ang aga mong gumising ah." masayang bati ni Mommy.

"Excited po kasi ako pumasok uli e. Saka nakakatulog na po kasi ako ng maayos e."  Hinila ko ang isang upuan at umupo roon para makapag almusal na.

"Buti naman kung ganon."  Sagot ni Mommy habang ipinagsandok ako ng pride rice at tocino.

Tahimik lang kaming kumain ng Almusal. Sanay na ako. Alam ko naman na nasa ibang Bahay ngayon si Dad sa Kabit niya. Alam ni Mommy yon pero hindi na lang niya sinisita si Dad kasi wala din namang mangyayari.

Napatitig na lamang ako kay Mommy. Maganda naman siya at pati ang pangangatawan niya pero nagawa pa din siyang ipagpalit ni Dad sa iba for formality na lang kaya umuuwi dito sa Bahay si Dad.

Nung una hindi ko matanggap pero habang lumalake ako natutunan ko na lang umayon sa gusto ni Dad. Umuuwe siya sa amin ni Mommy kapag may tampuhan sila ng Kabit niya kasi ayaw niyang makarinig ng dakdak. Si Mommy kasi ni minsan hindi ko pa sila narinig na nag-aaway ni Dad kahit pa niloloko na siya nito. Sobrang bait lang talaga ni Mommy.

Kung sa akin yan gawin ng mapapangasawa ko. Sinisigurado kong tatanggalan ko siya ng kaligayahan!

Bigla akong may narinig na tumawa. Kaya napalingon ako sa paligid.

"O bakit? Hindi mo nagustuhan?" Tanong ni Mommy habang nakangiti.

Umiling ako.  "A-ang sarap nga po eh. Nga po pala. Kelan naman po uuwi si Dad?"

Uminom muna ng tubig si Mommy Bago sumagot.  "Hindi ko din alam Anak---."

"Talaga po bang okay lang sa inyo ang ganito?"   Putol ko sa sagot nito.

Hindi sumagot si Mommy. Tumango lamang siya at nag-iwas ng tingin. Kaya hindi na din ako nangulit pa. Ayoko ng marinig ang iyak ng Nanay ko. Buti ngayong Malaki na ako hindi ko na siya naririnig na mag-isang umiiyak sa loob ng Kuwarto nila lalo na kapag hindi umuuwi si Dad.

Napabuntong hininga na lamang ako saka ko inubos ang Almusal ko.

"Sige po ligo na po ako."   Tumayo na ako at humakbang palabas ng kusina. Dito kami laging kumakain ni Mommy kasi masyadong Malaki ang mesa ng Dining room para sa aming dalawa.

"Monica. Anak."   Napahinto ako at nilingon ko ito.

"Ibinalik na uli ng Dad mo si Manong Dado saka ibinili ka din niya ng bagong Kotse kapalit nung binenta natin."

"Ah. Okay po."   Sagot ko.

Tumalikod na ako nang magsalita uli si Mommy.

"Ayos lang sa akin lahat Anak basta ba hindi ka pagdadamutan ng Dad mo dahil karapatan mo yon kahit masakit ayos lang--- ganun talaga kapag hindi ka gusto man lang ng taong pinakasalan mo."  Saka ito mapait na ngumiti.

"Mommy---."

"Sige na. Akyat ka na sa Kuwarto mo. Baka mahuli ka pa unang araw pa naman pagkatapos ng sembreak nyo diba."  Nagpahid ito ng luha saka muling bumalik sa kusina.

Umakyat na ako ng hagdan. Alam ko namang hindi mahal ni Dad si Mommy. Noong maliit pa ako lage niyang sinasaktan si Mommy kaya siguro hindi ko rin maramdaman na importante ako sa kanya bilang Anak.

I am Belphegor Where stories live. Discover now