CAPITULUS VIGINTI UNUM

83 7 0
                                    

CHAPTER 21

Alfonso's POV

Nagtatangis ang mga bagang ng Demonyong kaharap namin ngayon.

"Qumodo audes!" ( How dare you! ) "Cur eam sic tractace?" ( Why did you have to treat her like this? )  Mababa ngunit mahasik ang boses nito.

Ramdam kong natakot ang tatlong kasama ko. Well ano pa nga bang aasahan ko e Demonyo ang nasa harapan nila.

"Bitawan mo ang Anak ko! Wag mo siyang hawakan ng madumi mong mga kamay! Demonyo ka!" atapang na sigaw ni Mister Nicholas.

"Diyos ko! Monica Anak!"  Tili naman ni Mrs Santos. Sabagay ikaw ba naman makita mo ang Anak mo na duguan at higit sa lahat kalung kalong pa ito ng isang Demonyo. Hindi maipinta ang pag-aalala nito para sa walang malay na Anak.

"Tu caveam eam." ( You cage her. ) "Illa et nostril pueri nilhil mali fecerunt!". ( She and our child done nothing wrong! )  Mabigat ang bawat bigkas nito.

Tumawa ako nang malakas. "Ang galing mo din naman Demonyo. Nagagawa mo pang kumilos kahit na hirap na hirap ka na! Bakit? Dahil ba sa babaeng yan?"

Nanatiling nanlilisik pa din ang mga mata ng Demonyong si Belphegor

"Ego te urere te.". ( I'll burn you. )

Lumapit ako sa Demonyong nakatayo ngayon sa harapan ko.  "Matapang ka pa din Belphegor ang isa sa Pitong Prinsepe ng Impyerno at siyang tagapagpatupad ng mga kahilingan na minsan imposible pero kayang kaya mong isakatuparan."

"Fili*us c*nis!". ( Son of a B*tch! ) singhal nito. "Eam accpiam. Num quam visurus eam iterum!" ( I will take her. You will never going to see her again! )

May humawak sa damit ko. Si James. "Anong mga pinagsasasabi ng Halimaw na yan?"

Bahagya ko itong nilingon. "Minumura niya tayo."  Ngumisi ako pagbalik ko ng tingin kay Belphegor. "Kunin mo si Monica."

"H-ha? Niloloko mo ba ako Sir Alfonso?"   Ngayon alam ko na kung bakit ayaw sa kanya ng Estudyante ko. Saksakan siya ng hambog parang hindi lalake!

"Hindi! Kunin mo siya saka ko itatarak tong hawak kong Tulos sa dibdib ng Demonyong yan! Madali ka!"

"H-ha!? Pero p-pano kung makagalaw yan o di yare naman ako!"  Halatang takot na takot ito.

"Akala ko ba gusto mo ang Babaeng yan? Ngayon kung ayaw mo siyang kunin o di wag isasama ko siya sa kamatayan ng Demonyong yan!"

"ALFONSO!"   Sabay na banggit ng mag-asawa sa pangalan ko.

Beelzebub POV

"BELPHEGOR NECESSITATES US." ( Belphegor needs us. )

"Scio. Beelzebub." (I know. Beelzebub)

"Est Mori. Eget auxilio nostro. Sana potes eam. Lucifer." ( She's dying. He needs our help. You can heal her. Lucifer. )

"Abemus. Beelzebub!" ( Let's go. Beelzebub! )

Belphegor's POV

LUMAPIT ANG LALAKENG si James para kunin sa mga bisig ko si Monica pero mashinigpitan ko pa ang hawak sa katawan ng Babaeng mahal ko. Hindi ako papayag na madampian siya ng makasalanang mga kamay ng mga Mortal na ito.

"Lapastangang mga Mortal!"  Sigaw ko ng mahawakan na nito si Monica. Kasabay nun ang paghiwa sa ere ng isang matalas na Tulos na ginawa para tapusin ang pagka-Imortal ko.

Wala akong magawa dahil sa lintik na mga simbolo na to! Ito na ata ang katapusan ko. Patawarin mo ako Monica mukhang mabibigo kita sa pagkakataong ito---- hahanapin na lang uli kita sa susunod kong Buhay kung mabubuhay pa ako. Nakatitig lamang ako sa halos wala ng Buhay na katawan nito gusto kong ang mukha nito ang huling ko babauning alaala hanggang sa magkita uli kami. Hindi ako kelan man pipikit sa harap ng kamatayan ko.

Nahinto sa ere ang Tulos animo'y may kung sino ang kumukontrol dito at kilala ko kung sino yon. Si Lucifer!

Dumagundong ang lupa. Isang malakas na Kulog at Kidlat ang yumanig sa katahimikan ng paligid senyales na may Demonyong pilit na tumawid sa Tarangkahan.

Isang naglalagablab na Apoy at isang itim na Usok at lumitaw mula sa kawalan hanggang sa naging anyo ito na kawangis ko.

"Sunt Homines minoris aestimo nos Daemones?" ( Are you Humans underestimate us Demons? ) Lumalangitngit ang pader ng kinalalagyan namin sa bawat bigkas ni Lucifer ang pinakamakapangyarihan sa aming Pito.

Tinaas nito ang kanang kamay saka iyon ikinumpas. " Exponentia Dimitri's!" ( Spell Release! )

Unti unting naglaho ang mga nakasulat sa pader saka ako nakagalaw. Napaatras si James habang matapang na sumugod pa din si Alfonso. Hawak ko sa kaliwang bisig ko si Monica habang ang kanan kamay ko naman ang siyang ginamit ko para salubungin ang pagtarak nito ng Tulos.

Napangisi ako.  "Bigo ka Mortal gaya ng Guro mo."  Saka ko pinisil ang palapulsuhan nito.

Isang nakabibinging panaghoy ang lumabas mula sa bibig nito. Naglaho ang kaninang matapang nitong anyo.

"Masakit ba Mortal? Wala ka pa lang Kwenta kung wala kang Rituwal gaya ka din ng pinagmamalaki mong guro pero masmahina ka pa sa inaasahan ko!"   Hinagis ko ito, mahina lamang iyon ngunit dahil sa hamak lamang siyang Mortal. Pumutok ang ulo ni Alfonso ng tumama ito sa pader. Napahiyaw sa takot at pagkagulat ang Mommy ni Monica.

Hinawakan ako ni Lucifer sa balikat ko ganon din si Beelzebub bago sila kapwa tuluyang naglaho.

Nanginginig na umatras si James. Tumawa ako ng mahina.

"Isa ka ngang Mortal at nakakahiya ka sa lahi mo."  Saka ako bumaling sa mga Magulang ni Monica.

"Kukunin ko ang mag-ina ko. Kung hindi nyo sila tanggap sa Mundo ninyo ayos lang. Isasama ko sila sa Lugar na magiging malaya sila ng Anak ko at ipinapangako kong hinding hindi nyo na makikita pa si Monica."   Yon ang huling salita ko sa kanila bago ako nagdesisyong maglaho.

"Huwag mong dalhin ang Anak ko!!!!!"   Habol ng Ina ni Monica.

Huli na para magsisi pinahirapan nila ang sarili nilang dugo at laman. Kaya tama lang na matikman nila ang sakit ng ginawa nila.

LUMITAW KAMI SA MADILIM kong Silid. Agad kong inihiga si Monica. Nagkuyom ang mga kamao ko ng makita ko ang kaliwa nitong braso. Tiniis niya ang sakit para lang matawag ako. Nagpakawala kong kwenta! Nagkaganito siya dahil sa kapabayaan ko!

May kumatok sa pinto saka iyon bumukas. "Master Belphegor andito po sina Master Beelzebub at Master Lucifer."

Hindi ko na ito binalingan pa ng tingin. "Papasukin mo sila Cherry."

"Opo. Master."  Sagot nito.

May Batas kaming Pito na bawal naming pasukin ang Silid tulugan ng walang paalam kaya hindi kami pwedeng bigla na lamang susulpot sa loob ng Kuwarto ng kung sinuman sa amin.

Narinig ko ang mabibigat na yabag ng dalawa.

"I probabile curare vulnera." ( I will try to cure her wounds. )  Sambit ni Lucifer saka nito hinawakan ang kamay ni Monica.

Tinapik ako ni Beelzebub. "Non erit finis. Relaxat." ( She will be fine. Relax. )

Bahagyang tumawa si Lucifer. "Brachia pellet Fortis est. Tam felix habere eam." ( She's brave to skin her arms. You are so Lucky to have her. )

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Lucifer.

"Iterum Pater futurus es...sed hoc tempus ad coniugem tuam." ( You are going to be a father again...but this time to your Mate. )

"Beati sumus tibi Frater." ( We are happy for you Brother. )  Masayang turan ni Beelzebub.

Tumahimik na kami ng mag-umpisa nang mag-usal ng Engkantasyon si Lucifer.

"Vulnerum causa a Mortalibus. Hic sum it emundent eam. Exaudi me sicut Princeps tuus Fortis."

Tunay ngang makapangyarihan si Lucifer. Unti unting gumaling ang mga galos at sugat ni Monica. Parang walang nangyaring pagmamaltrato sa kanya ng Kapwa niya Mortal.

Nagpaalam silang dalawa saka lumabas ng Silid.

Hinaplos ko ang maamong mukha ni Monica saka ko bahagyang hinawakan ang kanyang umbok na Tiyan. Napangiti ako, ito ang Supling na bunga nang matinding dadamin namin ng kanyang Ina para sa isa't isa.

Mamahalin at iingatan ko kayo.

I am Belphegor Where stories live. Discover now